STEPHANIE'S POV
Ilang araw ko ng ini-iwasan si Bryan . Kasi naman yung nangyari sa condo niya di ko maka'limutan .
Nahihiya ako na ewan >.<
After nung kiss namin , umalis na ko kaagad . Hindi ko na nga natikman yung niluluto namin nung time na yun , dahil nag madali talaga kong umalis . Hinabol niya ko , pero nagmadali talaga ko maka'layo . Hindi ko din kasi alam ang ire-react .
Hindi naman ako galit kay Bryan . Kasi siguro nadala lang kami parehas sa moment , pero kasi naman FIRTS KISS ko yun!
Grabe! Ganun pala ang feeling ng mahalikan . Ang bilis ng tibok ng puso ko tapos parang may paru-paro sa tiyan ko . Di ko ma-explain yung feeling ko .
" Steph , may bisita ka sa baba . " Sunny na kaka'pasok lang sa kwarto ko .
" Sino daw? "
" Si Bryan . " naka-ngiti niyang sabi .
Hala! Sinabi ko na nga sa kanila na pag si Bryan ang naghahanap sakin , sabihin nila wala ako eh >______< .
" Sabihin mo tulog ako . "
" Tse! Bumaba ka na dun . Wag ka na mag inarte . " lumabas na siya ng kwarto ko .
Bwiset talaga oh! Bahala na nga .
Siguro tama na din na mag-usap kami .
BRYAN'S POV
Andito ko sa sala nila Sunny , hini-hintay si Stephanie . Sana naman this time , kausapin na niya ko . Gusto lang humingi ng pasensya at magpaliwanag na din .
Hindi ko dapat ginawa yun , pero hindi ko rin naman kasi sina-sadya . Masyado kong nadala sa moment .
" Pababa na siya . Wait lang ah . " naka'ngiting sabi ni Sunny .
Naka'hinga naman ako ng maluwag kasi atleast now kaka-usapin niya na ko .
" Stephanie . " napa'tayo ako nung nakita ko siya na buma'baba sa hagdan
" Hello . May kailangan ka ba? " tanong niya agad sakin pero di siya sakin naka'tingin
" Ah .. Ano .. Kasi .. Gusto ko lang mag sorry sa nangyari noong isang araw . Yung about sa ki - - - " pinutol niya yung pagsasalita ko
" Yun ba? Ayos lang . Wag ka na humingi ng sorry . Alam ko naman na di mo sina-sadya yun . " sabi niya ng di pa din naka'tingin sakin .
Alam ko naman na nahihiya siya eh . Ako din naman nahihiya sa kanya . Nalaman ko kasi na ako pala ang first kiss niya . Sa totoo lang masaya ako na medyo guilty .
![](https://img.wattpad.com/cover/1435523-288-k687298.jpg)