ANDREW'S POV
Di ko alam kung ano bang dapat kong ika-galit .
Yung ugali ba nung Jansen na yun o yung halos araw-araw na pagpunta niya dito sa Bar KO , para makita si Caroline .
" Excuse me po Sir , okay na po lahat . " sabi ng employee ko . Andito ako sa office ko at may mga pinapa-ayos ako sa kanya .
" Ah . Sige . Salamat . " sabi ko
" Sir , pinapa-sabi po pala ni Caroline na hindi daw po siya makaka'pasok ng maaga , pero sure daw po na aabot siya mamaya sa Gig nila . "
Di makaka'pasok ng maaga?
" Bakit daw? "
" Ah . Hindi po sinabi eh . Yun lang ang bilin . "
Tss .
" Sige . Balik ka na sa gina'gawa mo . Salamat . " sabi ko . Tumango naman siya at lumabas .
Psh . Bakit di na lang niya sakin sinabi ? Kailangan ba sa iba pa ipa-sabi .
Saan ba siya pupunta ? Sinong kasama niya ?
At dahil hindi ako mapakali , kinuha ko ang cellphone ko at nag dial .
[ Hello? ] sabi ng nasa kabilang linya
" Hello . Kamusta? Asan ka ngayon? "
[ Haha . Okay naman ako . Andito sa bahay . ]
" Talaga? Sinong kasama mo? " wala akong idea kung paano ko magtatanong sa kanya eh . Baka kasi kung anong isipin niya .
[ Hahahahaha! ] Abnormal ba 'to bakit biglang tuma'tawa?
" Anong problema ? Bakit ka natatawa ? "
[ Eh kasi naman ang dami mo pang sina'sabi . Alam ko naman gusto mong itanong Andrew . ] Talaga ? Alam niya .
" Huh? Di kita gets Sunny . " patay malisya ko .
[ Oh come on Andrew . Di mo ko tatawagan , unless wala kang itatanong na tungkol sa kanya . Hahaha! ]
" Hindi ba pwedeng kina'kamusta lang kita? "
[ Hahaha . Lame excuse . Well , kung yun talaga iba'baba ko na 'to . ]
" W..Wait . Ano kasi .. Ah .. "
[ Haha . Pinapa'tawa mo talaga ko . Magtatanong ka lang nahihiya ka pa . ]
![](https://img.wattpad.com/cover/1435523-288-k687298.jpg)