As promised , ito na po! :)
- - - - -
GAB'S POV
Paano ba ko mag sisimula? Siguro I'll introduce my self first .
Well , I'm Gabrielle Garcia . Gab for short . Minsan tina-tawag din akong GG . Hmm , I'm 20 years old . I work as a full time model , bata pa lang ako pag mo-model na ang gina-gawa ko .
Maraming nagsasabi na mukha daw akong Womanizer , Mayabang , Straight forward , Maangas at marami pang iba na negative . Pero looks can be deceiving , right?
Hindi naman talaga ako ganun . Sa totoo lang kabaliktaran lahat ng yun , isa lang siguro ang tama , at yun ay ang pagigiging Straight forward . Hindi ako Womanizer dahil stick-to-one lang ako kung mag mahal . Hindi rin ako Mayabang , mukha lang . Hindi ako maangas , sina-sabi ko lang talaga ang gusto kong sabihin at ang nararamdaman ko syempre .
Hindi din naman ako kontrabida . Sadyang gusto ko lang si Sunny .
Matagal ko ng kilala si Sunny , hindi nga lang personal . At isa pa , siya ang long time crush ko .
Ang totoo niyan , noong una pa lang alam ko na talaga na si Sunny yung partner ko . Nag panggap lang ako na hindi , para naman matago yung excitement ko .
Noong araw na nag shoot kami at naka-partner ko siya , hindi ko maiwasan na hindi mapa-titig sa kanya . She's really beautiful lalo na kapag naka-ngiti at hindi rin siya maarte tulad ng mga iba kong nakaka-partner .
Hindi ko siya mapormahan dati , dahil wala pa naman kaming formal meeting at isa pa lagi siyang nagmamadali pagka'tapos ng photoshoot . Ang tagal kong hinintay yung time na maka-partner siya kaya naman nung dumating yung chance , hindi ko na pinalampas .
Kaso naman nung nakilala ko na siya , nalaman ko na may boyfriend na pala siya . At it turned out na si Joshua Mendez pa ang boyfriend niya . Kilala ko si Joshua pero not personally . Nakaka-rinig ako ng mga rumors sa kanya , lalo na sa mga babaeng model na nakaka-partner ko .
Ang sabi nila , babaero daw yung Joshua na yun at laging nagpapa-iyak ng babae . Halata naman sa mukha eh .
Dati wala naman akong paki-alam kung ganun siya , pero ngayon meron na . Meron na dahil girlfriend na niya si Sunny . Hindi ako papayag na lolokohin niya lang si Sunny .
Matagal ko na talagang gusto si Sunny at gusto ko talaga siyang maging girlfriend .
Seryoso ko sa sinabi ko kay Joshua na , " Lahat din kaya kong gawin , maagaw lang siya sayo . "
Pero , hindi naman ako masama , kaya hangga't hindi pa sila nag be-break ni Joshua , hindi ko muna siya liligawan . Pero ipapa-ramdam ko talaga kay Sunnya na gusto ko siya .
Hindi naman masama mag mahal di ba?
At hindi ko kasalanan na taken na ang babae na gusto ko .
![](https://img.wattpad.com/cover/1435523-288-k687298.jpg)