Simula

35.1K 834 89
                                    

Simula

Tinitigan ko ang ilog at tahimik na tinansya ang kulay na dapat gamitin sa pagpinta. Maingat akong kumuha ng asul na pintura at sinimulan iyong ikalat sa canvas. Ito ang papatungan ko ng mga kulay.  

Sinimulan kong ipinta ang umaagos na ilog at dinampian ng puting pintura na makapagbibigay kislap sa umaagos na tubig. Sinunod ko ang mga puno na humaharang sa pagitan ng ilog at dagat. At an panghuli ay ang araw na gawa sa pinaghalong kulay na pula at kahel.

Malapit na magtanghali nang matapos ko ang buong painting. Tinitigan ko ang canvas habang hinihintay ang pagkatuyo ng pintura.

Ihahatid ko ito sa lungsod mamaya para ipagbili. Wala akong paggagamitan ng pera, gusto ko lang makapag-ipon kahit papaano. Dadating din ang panahon na mangangailangan ako ng pera kung makakapagdesisyon na.

Nang tuluyan nang natuyo ang canvas, kumuha na ako ng manila paper para gawing pang wrap ng painting. Maaga akong aalis mamaya para makabili na rin ng pintura na papaubos na.

Wala na akong ibang ginawa maghapon kundi ang umupo sa likuran ng bahay at hintayin ang tuluyang pagbaba ng araw.

Ilang taon na akong mag-isa pero kailanman hindi ako binigo ng tanawin na araw-araw kong nakikita.

Sa bawat araw na natatanaw, palagi kong naahalintulad ang sarili ko. Kagaya ng araw na kahit mag-isa, hindi kailanman pumalya na umahon matapos ng mahabang kadiliman. Mananatiling buo upang makapagpatuloy sa pagsikat sa susunod na araw.

Halos pumula na ang langit dahil sa bantang tuluyang pagbaba ng araw. Ilang taon ko na iyong nakikita pero hindi pa rin ako nagsasawa. Ito yung klase ng ganda na kahit mahabang panahon mo titigan ay hindi mo pagsasawaan.

Hindi pa tuluyang bumaba ang araw nang mapagdesisyunan kong pumasok na dahil sa lamok na paunti-unting dumadami.

Maaga akong natulog para makagising kinabukasan sa tamang oras. Bumangon ako nang hindi pa sumisikat ang araw. Alas tres pa nang tignan ko ang orasan. Mabilis akong naligo at nagbihis.

Bago tuluyang lumabas ng bahay, isinuot ko ang puting balabal at iniikot iyon sa ulo ko patungong leeg. Binuksan ko ang maliit flashlight bago tinahak masukal na daan.

Mas pipiliin kong dumaan sa madilim na gubat at harapin ang mababangis na hayop kaysa sa lumabas sa gubat at tahakin ang normal na daan. Ilang taon ko na itong ginagawa mag-isa kaya nakasanayan ko na.

Pero minsan hindi ko pa rin maiwasan ang mangamba. Hindi dahil sa mababangis na hayop na maaari kong makasalubong kundi dahil sa posibleng tao na papasok dito sa gubat.

Mabilis kong pinatay ang flashlight at nagtungo sa malaking puno para magtago. Hinintay ko ang tuluyang pagdaan ng sasakyan na nasa labas ng gubat kung nasaan ang daan. Nagpatuloy din ako sa paglalakad kalaunan.

Halos makita ko na ang araw nang makalabas ako sa gubat at nakatapak na sa lungsod. Medyo natagalan dahil sa maya't mayang pagtigil at sa masukal na daan. Sa parte ng planta ako madalas napapatigil dahil sa mga trabahante na maagang pumapasok.

Inayos ko ang balabal at tinahak ang shop ni Miss Escovar. Tanaw ko galing dito sa kinatatayuan ko na hindi pa bukas ang shop. Napagdesisyunan kong bumili muna ng mga dapat bilhin.

Maaga pa ngayon at iilan pa ang mga tao, siguradong kompleto ang mabibili ko. Sa ideyang iyon napangiti ako. Mas aagahan ko na sa susunod para siguradong mabibili ko ang mga dapat bilhin.

Nagtungo ako sa palengke, bitbit ang painting na gawa ko. Iniiwasan kong hindi iyon mabangga ng kahit sino. Mabuti na lang at mabibilang pa ang mga tao sa palengke.

DM #2: Dean AndradaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon