Kabanata 5

20.2K 653 55
                                    

Kabanata 5

Friend

Maaga akong nagising para pumunta muli sa lungsod. Hindi pa ubos ang bigas sa bahay pero kaunti na lang. Mabuti na rin siguro ang bumili ng maaga, para tuloy tuloy ang hindi ko pagpunta sa lungsod.

Pagdating sa lungsod, dumiretso ako sa palengke. Dumaan ako sa isang tindahan at bumili ng gamot na posibleng kailanganin ko. Huli kong binili ang bigas.

Naglalakad ako nang mapasulyap sa shop. Agad kong nakita si Miss Eliza na nakatayo at sumesenyas na lumapit ako.

Patagal ng patagal, mas nadadagdagan din ang takot ko na huwag na magpakita sa mga tao sa hacienda. Lumipas man siguro ang ilang taon, hindi magbabago ang pagtingin nila sa akin. Kahit siguro subukan ko, hindi rin ako magtatagumpay.

Matagal ako nakauwi kumpara sa nakasanayan dahil sa pag-imbita ni Miss Eliza o ang may-ari ng painting shop. Hindi ko alam na kaarawan niya kaya wala akong naihandang regalo.

Gusto niyang pumunta ako sa paghahandaan ng kaarawan niya pero mabilis akong tumanggi. Ang sabi niya'y ipapakilala niya ako sa mga pupuntang kilala niyang nagpipinta sa Manila. Gustuhin ko man ang pumunta, wala rin akong sapat na lakas ng loob.

Inimbitahan niya akong kumain sa isang restaurant ng kami lang dalawa. Pinaunlakan ko dahil nakakahiyang tumanggi lalo na't wala pa akong naihandang regalo.

Matagal iyon nagbukas kaya natagalan din ako sa pag-uwi. Tahimik kong ipinagpasalamat na iilan lang ang kumakain doon.

Walang ideya si Miss Eliza kung sino ako, ang alam niya lang ay mag-isa akong naninirahan sa hacienda. Wala siyang alam na nasa gitna ako ng gubat nakatira.

Hindi ko alam kung anong oras na. Sabay kaming lumabas ng restaurant at nagtungo sa shop. Doon ko iniwan ang bigas na binili kaninang umaga. Kinuha ko iyon bago nagpaalam na aalis na.

"Nandito ang Señorito Declan!"

Napalingon ako sa isang tindera na biglang sumigaw sa kapwa nagtitinda. Mabilis nagsilapitan ang mga kasama niya.

"Huwag mo kaming pinagloloko,"

"Totoo nga, may hinahanap daw."

"Hinahanap?"

"Oo, may mga lalaki siyang kasama sa terminal."

Tahimik kong tinahak ang daan papasok sa gubat. Kakatapos lang magtanghalian, kaya sigurado akong nasa loob na ng planta ang mga trabahante.

Sinulyapan ko ang planta at mabilis na naglakad para malagpasan iyon. Kaharap ng planta ang gubat na palagi kong dinadaanan. May mga tao sa labas ng planta dahil sa pagdiskarga ng mga kagamitan.

Pagdating sa bahay, inilapag ko ang bigas at nilagay sa lalagyanan. Binuksan ko ang bintana ng kusina at natigil nang makita ang tahimik na ilog. Naligo kaya siya rito kanina?

Buong araw akong walang ginawa kundi ang manatili sa sala at manood ng tv. Minsan nakakapagod ding mag-isa. Pero mas pipiliin ko na lang na mag-isa kung kapalit nun ay ang kaligtasan ko.

Kinabukasan, maaga akong nagising. Nagluto ako at kumain ng agahan. Nagtungo ako sa likuran nang matapos. Mataas na ang sikat ng araw at hindi pa pumupunta rito ang Señorito.

Siguro ay abala dahil sa mga nakalipas na araw, umaga siyang pumupunta dito. Hindi ako sigurado kung naligo ba siya kahapon habang nasa lungsod ako.

Ilang araw na akong hindi nakakaligo sa ilog. Posibleng hindi na rin pupunta dito si Señorito Dean dahil malapit na magtanghali.

Hinubad ko ang bestida na suot at sinakop ang buhok bago iyon ilagay sa kanang balikat. Naglakad ako patungo sa tubig at tumigil lang nang tumaas na ang lebel ng tubig sa ibabaw ng dibdib ko.

DM #2: Dean AndradaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon