Kabanata 2

23.4K 694 92
                                    

Kabanata 2

Orphan

Wala akong lakas na pumasok matapos ng mga nangyari. Hindi ko tuluyang maiproseso ang nangyari, lalo na sa katotohanang ako ang naging rason.

Hindi na nakabalik si Papa simula nang pag-alis niya kagabi. Umabot na lang ng hapon ay hindi pa siya nakakauwi. Hindi na ako mapalagay. Buong araw akong walang alam kung ano na ang mga nangyari.

Ilang buwan ang ginawang pagbabanta ni Mama tungkol sa planong pag-alis niya dahil sa akin. Nasanay na akong marinig iyon araw-araw dahil kailanman hindi niya nagagawa. Pero iba na ngayon.

Kinabukasan, nagising ako sa malakas na katok mula sa labas. Hindi pa nakakapag hilamos ng mukha, diretso na akong tumakbo sa pag-asang si Papa na iyon.

Pero ganoon na lang ang panlalaki ng mata ko nang sumalubong sa akin ang dalawang pulis.

Napakurap ako at pasimpleng sinulyapan ang likuran nila sa pag-asang nandoon ang hinahanap ko.

"Selene Oliveros?"

"O-Opo,"

"Kailangan mong sumama sa amin," aniya saka ako iginiya papalabas ng bahay.

Wala sa sarili akong tumango. Hindi ko alam kung bakit ako pumayag kahit na hindi ko alam para saan ang pagsama ko. Para akong nakalutang habang naglalakad kasama ang dalawang pulis.

Diretso ang lakad hanggang sa makalabas kami ng gubat. Nagulantang ako sa dami ng tao na nasa bungad. Naramdaman ko ang panlalamig ng dahil sa kanilang atensyon na binibigay sa akin.

Tinawag ako ng isang pulis dahil sa pagtigil ko sa paglalakad. Puno na ng katanungan ang isip ko kung ano talaga ang nangyari.

Tulala ako nang pumasok sa sasakyan at hindi na pinansin pa ang pangungutya ng mga tao sa akin. Hindi ko alam kung ilang minuto akong wala sa sarili bago nagtanong sa pulis na nasa harapan.

"A-Alam niyo po ba kung nasaan si Papa?"

Maaaring ito ang rason kung bakit nila ako pinapasama.

Sumulyap ang isang pulis sa salamin at tumikhim. Nananatiling tahimik na nagmamaneho ang isang pulis.

"Anak ka ba talaga ni Manolo?"

"Opo,"

Tumingin siya sa harapan at hindi na ako muling sinulyapan pa sa salamin.

"Mag-isa ka lang ngayon, mas mabuting maghintay muna tayo sa DSWD."

Natahimik ako pero agad kumunot ang noo nang maiproseso ang kanyang sinabi.

"A-Anong DSWD? May mga magulang po ako,"

Umiling siya. "Pupunta tayo sa hospital para malaman mo ang mga nangyari."

Hindi ko na nagawang mapalagay sa inuupuan dahil sa kanyang sinabi. Nananatili akong tahimik sa kinauupuan pero ang utak ko ay maingay dahil sa iniisip.

Tumigil kami sa harapan ng isang public hospital na nasa lungsod. Pagbaba ko pa lang, tanaw ko na ang grupo ng mga pulis sa bungad ng hospital.

May isang pulis na napalingon sa amin dahilan nang pagtawag niya sa ibang kasamahan. Awtomatiko na dumapo ang mga mata ko sa kanilang pinuno.

Nanuyo ang lalamunan ko nang lumapit siya sa banda ko.

"Sumunod ka,"

Hindi ako nagsalita at sinundan siya papasok ng hospital. Tahimik ang mga tao sa loob pero ang isipan ng bawat isa ay halos rinig ko na. Yumuko ako at nagpatuloy sa paglalakad.

DM #2: Dean AndradaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon