Kabanata 13

18.4K 616 73
                                    

Kabanata 13

Finally

Wala ako sa sarili nang tumigil ang sasakyan. Tinawag niya ako at saka lang ako muling natauhan. Tumila na ang ulan. Lumabas siya ng sasakyan at nagtungo sa pintuan na katabi ko.

"Nandito na tayo sa bahay," marahang sabi niya.

Bumaba ako at inilibot ang paningin sa lugar. Nasa harapan ko ang isang puting maliwanag na bahay. May mga katabing bahay pero may malaking distansya bawat isa. Tahimik at madilim, mukhang walang katao-tao.

Naramdaman ko ang marahang pagyakap niya sa akin mula sa tagiliran bilang pag-alalay. We started to walk slowly.

"Noah!" she called someone. 

Ilang sandali lang, sumilip sa pintuan ng bahay ang isang lalaki. Matangkad at singkit na maputing lalaki. Wala sa sarili akong napaatras. Natigilan si Miss Eliza at nilingon ako.

"Maghagis ka ng makapal na tuwalya. Huwag ka muna lalapit dito."

Nawala siya at pagbalik ay may bitbit ng tuwalya. Muli siyang sumilip sa pintuan.

"Why? Iaabot ko na lang," litong sabi niya.

Tuluyan siyang lumabas ng bahay at pinasadahan ako ng tingin. Muli akong napaatras. Tinignan niya ang ina, lito. Ramdam ko ang muling panginginig sa lamig at takot.

"Ihagis mo na lang, huwag kang lalapit."

Muli siyang tumingin sa akin. Yumuko ako at mariing pumikit, pinipigilan ang sarili na huwag tumakbo. Hindi sila ang humahabol sa akin. Hindi dapat ako matakot.

"Who is she? Why is she shaking?"

"She's scared. Just throw the towel to me."

"Okay."

Nang masalo ni Miss Eliza ang tuwalya, agad niya iyong ipinalibot sa akin. Inalalayan niya ako papasok ng bahay. Humigpit ang yakap niya sa akin nang lagpasan namin ang lalaki. Mariin akong pumikit, pinipigilan ang sarili na gumawa ng kahit anong reaksyon.

"Ma, madami siyang gasgas. Ako na lang ang gagamot. Magbihis ka muna."

"I can handle this, Noah. Huwag ka munang magpapakita sa kanya."

Kahit lito sa mga nangyayari, nagawa niyang sumang-ayon. Ilang sandali lang ay binuksan ko na ang mata at hindi na siya nakita pa. Iginiya ako ni Miss Eliza papasok sa isang pintuan.

"Huhugasan muna natin ang katawan mo. Ayos lang ba?" marahang sabi niya.

Tahimik akong tumango.

Hindi niya ako iniwan sa loob ng banyo at hinintay akong matapos. Kahit halos matumba na sa panghihina, pinilit kong tumayo at hugasan ang katawan. Inabutan niya ako ng damit nang matapos.

Ipinasok niya ako sa isang kwarto na tiyak na sa kanya. Lumabas siya at mabilis din nakabalik na bihis na. Tahimik siya nang simulan niyang gamutin ang mga sugat ko sa katawan.

Ramdam ko ang matindi niyang kagustuhang magtanong pero hindi niya ginawa. Nananatili siyang tahimik at nakikiramdam.

She took care of me that night. She treats me like I was her child. Tinabihan niya ako nang hindi ako nakatulog. She hugged me, which gives me enough security for me to sleep peacefully.

Days passed like a whirlwind. I wasn't able to talk for weeks and never went inside the room. Miss Eliza never force me to go out. Hindi siya nagtanong ng kahit ano at nanatiling nasa paligid ko. She always check on me from time to time.

Sa mga nakalipas na araw, si Miss Eliza lang ang pumapasok sa kwarto. Hindi ko nakita ang anak niyang pumasok dito, kahit sulyap lang galing sa labas ng pintuan.

DM #2: Dean AndradaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon