Kabanata 16

18.9K 566 81
                                    

Kabanata 16

Donation

Nagpatianod ako sa hila ni Noah hanggang sa makarating ng parking lot. Tumunog ang sasakyan at iginiya niya na ako palapit doon. Bumagal ang lakad ko nang may matanaw, nakatayo at prenteng nakasandal sa isang itim na sasakyan.

Madilim ang parking lot pero hindi ako pwedeng magkamali sa nakikita. Nilingon ako ni Noah nang tuluyan na akong natigil sa paglalakad.

"Hey, what's wrong?"

Matagal bago ako nakasagot at naibalik ang sarili sa pagkakatulala. Hindi ko alam kung tama bang lumapit ako pero wala na akong ibang magagawa para lang maibalik ang pera.

Ilang beses lang sa isang taon mangyayari ang auction at hindi ako sigurado kung makakasali pa ba ako sa susunod na taon. Pero kahit ganoon, hindi ko kakailanganin na ganoon kalaking pera. Ang makukuha ko sa art gallery ay siguro sapat na para makatulong ako sa condo at kapag nakapag-ipon ay bubukod na.

"M-May kakausapin lang ako."

Kumunot ang noo niya at tinanaw ang tinitignan ko.

"Are you sure?"

Ayokong lumapit pero ako ang may sadya. Tiyak mas mahihirapan akong matulog mamaya kapag hindi ko nagawa ang dapat gawin. Hanggang sa maaari, sana ito na ang huling pag-uusap ko sa kanya.

Magagawa kong umakto na walang nangyari sa pagitan namin noon. Maaari ko siyang makausap na parang isang kakilala lang.

"Oo, sandali lang 'to."

Tumango siya at nauna nang nagtungo sa sasakyan. Naglakad na ako patungo sa kanya at napansin ang panonood niya sa bawat paghakbang ko.

Bago tuluyang makalapit, nakita ko ang pagtapon niya sa isang bagay na may baga at mabilis na tinapakan iyon. Nang makalapit, napatunayan kong tama nga ang nakita ko dahil sa naiwang amoy ng tinapon niya.

Tumayo ako sa harapan niya at halos manghina nang sinalubong ako ng madilim niyang tingin. Tahimik akong napalunok.

"Naninigarilyo ka?" kalmadong sabi ko.

Umigting ang kanyang panga. Ang maliit na panglaw ng ilaw galing sa buwan ay sapat na para makita ko ang bawat ekspresyon niya. Hindi siya nagsalita kaya tumango na ako para magpatuloy sa totoong sadya ko.

"Kung maaari, sana ibalik mo ang painting sa akin. Hindi ko matatanggap ang pera na ibibigay mo."

His eyes narrowed. Sandali akong natigilan pero muling nagpatuloy nang makabawi.

"Magiging madali siguro iyon sayo dahil ikaw ang bumili, kumpara sa akin na nagbenta. Pwede mo pa ibalik ang painting ngayon hanggang sa hindi pa nahahati at nakakarating sa akin ang kalahati ng pera."

"You want me to give your painting back?" malamig na sabi niya.

Natigilan ako nang bigla siyang nagsalita, tila inaasahan ko namang sasagot siya pero parang hindi ko lang napaghandaan.

Tumango ako. Walang emosyon siyang nakatingin sa akin.

"I won't do it."

He sounds really determined. Hindi ako nagpakita ng reaksyon kahit na hindi ko na alam ang susunod na sasabihin sa sagot niya. Mabilis niyang tinuldukan ang sariling desisyon.

"Nagsayang ka ng thirty million para lang sa painting."

"It's not just a painting, it's your painting." he said seriously and with emphasis.

Kahit anong sabihin niya, hindi ko makukuha kung bakit nagagawa niyang gumastos ng ganoon kalaking pera.

"Ibalik mo ang painting ko para maibalik ko ang pera."

DM #2: Dean AndradaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon