Kabanata 14

18.4K 644 25
                                    

Kabanata 14

Painting

Just like what Miss Eliza said, Manila was huge. Malaki at maraming tao. Ang daan ay palaging puno ng mga tao at sasakyan. May mga sasakyan sa lungsod pero hindi ganito na palaging puno at halos hindi gumalaw dahil sa trapiko. The people here has different worlds with different businesses, ibang-iba sa lungsod na halos magkakakilala na. Malaki ang syudad, hindi ko na dapat iyon ikinagulat pa.

Para akong pumasok sa ibang mundo. Hindi lang sa panibagong paligid na nakikita kundi na rin ang tungkol sa pagkatao ko. Ang mga tao ay walang pakialam at hindi ako kilala. Ang balabal na palaging suot ay hindi ko na kailangan. Ang tingin nila sa akin ay isang normal na tao, ibang-iba sa mga tao sa hacienda.

Noah stayed by my side when we arrived in Manila. Ayokong umasa sa kanya pero wala akong magagawa dahil kahit ang sarili ko'y hindi ko kayang mapakalma. Kakailanganin kong humarap sa mga tao kapag nagsimula na ang offer na tinanggap ko. I'll be facing people and talk with them about my piece of work.

He exposed me to malls, parks and museums. The treatment was really hard for me. Lalo na kapag may iba akong nakakaharap na lalaki. Lahat ng lalaki na nakikita ko ay nagpapaalala sa mga lalaking nasa hacienda. I don't hate any of them, it's just that, I'm scared.

Ang mahirap sa treatment ay ang mga nagiging reaksyon ko. Si Noah ang naging doctor ko sa mga oras na ganoon. We both practiced the breathing retraining and muscle relaxation. If that strategy didn't work, he will distract me with anything just to feel me okay.

Bumalik si Miss Eliza sa lungsod matapos ang dalawang linggo. She would only visit during weekends.

Noong una ay akala ko magiging madali na lang ang lahat dahil walang nakakakilala sa akin dito. But the nightmares didn't stop, which results to sleepless nights. May gamot na ibinigay ang doctor sa akin na iniinom ko tuwing sa tingin ko'y kailangan.

Tinitigan ko ang mga gamit sa painting na nasa harapan. Marami akong naiwan na gamit at painting sa bahay pero wala akong lakas na loob na balikan iyon.

Pinulot ko ang brush sa pinaka unang pagkakataon matapos ng mga nangyari. This is not the brush that I used to have before, but it reminds me of the silent flow of the river.

Ibang-iba ang nakikita ko sa paligid dito sa Manila at sa hacienda. Ngayon ay alam ko na kung bakit mas gusto ng mga tao ang magpahinga sa tahimik na lugar na pinipili pang bumiyahe para lang makapunta.

Napatingin ako kay Noah nang may iabot siyang juice sa akin. Maagap ko iyong tinanggap at nagpasalamat.

Naghila siya ng upuan at umupo sa tabi ko. His condo has a separate room for paintings. Kagaya ko ay mahilig din siya magpinta. He's best in different kinds of techniques, lalo na sa oil painting. He's a pro, even when he keeps saying that he's still in the process of learning.

Ang mga gawa niya ay bago pa lang sa akin. Sa mga nakalipas na taon ay acrylic, watercolor at pastel pa lang ang nasusubukan ko. Sa pagguhit naman ay charcoal pa ang nasusubukan. I want to learn everything and he's willing to be my company.

"Anong ipipinta mo?"

Nilingon ko siya at hindi nakasagot, wala pang magandang ideya na pumapasok sa isipan.

"If you can't think about something beautiful, then draw things that is horrible for you."

"Ayos lang ba iyon?"

"Of course. Painters can sometimes express their feelings to their painting. Try it, Selene. Draw what you feel," marahang sabi niya.

Matagal bago ako nakasagot.

DM #2: Dean AndradaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon