Kabanata 18

19.6K 718 108
                                    

Kabanata 18

Chance

Galing pa sa matinding pagsabog ng emosyon, hindi ko siya kayang matignan. Ngayong maayos na, saka pa rumehistro sa akin ang nangyari ngayon lang.

Malaking pagkakamali na hinayaan ko siyang makita akong mahina. Nangako akong hindi na ipapakita sa mga nanakit sa akin na nasasaktan ako.

He hurt me and without him knowing. Maybe he was innocent before and I was just too desperate to have connections with him. Kaya nasaktan dahil umasa.

Muli kong naalala ang hindi niya pagsang-ayon sa pagkakaibigan na sinubukan kong ibigay noon sa kanya. O baka tamang sabihin na hindi niya ako tinanggap bilang kaibigan. That's the least thing he could give, pero kahit iyon ay hindi niya pa naibigay. It's not that I need a friend... I have myself.

I cut my ties, and that's how it should end. Hindi iyong umiiyak pa ako sa harapan niya na para bang isa siyang kaibigan. 

Tuluyan na akong kumalma at bumalik na siya sa dating pwesto sa harapan ko.

He's looking at me seriously, like we're in a business meeting. I wonder if he looks like this, while he's doing his work here in Manila. I can already picture him strictly commanding his employees to do their tasks.

Tiyak akong tapos na ang trabaho niya sa planta kaya nandito na siya sa Manila para hawakan ang dating naiwang posisyon.

"Gusto mong manatili ako sayo?" kalmadong sabi ko.

"It's your choice, but... it's better if you'll help the investigation."

Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. He raised his brow too, questioning my sudden reactions. He looks guilty.

"Magkikita na lang tayo dito kung may update ng investigation."

His eyes narrowed.

"I'm a very busy person, Ms. Oliveros. I can't just go here every night just to update you about the investigation." he said mercilessly.

Kumunot ang noo ko sa biglaang pagbabago ng tono niya at paggamit sa apelyido ko.

"Sabi ko bang gabi-gabi ka pupunta dito? Marunong akong maghintay, Dean. Mag-uusap tayo kung kailan ka libre."

"My schedule were always packed. Weekdays or weekend. Wala akong panahon para pumunta rito."

Sandaling tumalim ang mata ko sa kanya at tumango. Ang sabi niya'y choice ko kung sasama ako sa kanya. Pero dahil sa mga dahilan niya ngayon, parang tinutulak niya na akong manatili talaga sa tabi niya. Wala siyang binibigay na option sa akin na pwede kong pagpilian.

"Tawagan mo na lang ako kung ganoon."

He raised his brow as he smirked without a humor.

"This is a private matter and you want me to call you?" he said sarcastically.

Naramdaman ko ang nagsisimulang pagkulo ng dugo.

"Kung ayaw mo makipag-usap sa akin, ibigay mo na lang ang numero ng investigator sa akin."

Kinuha ko ang baso ng tubig sa harapan ko at ininuman iyon. Seryoso niyang pinanood ang galaw ko.

"He's a private investigator. I'm his client. Hindi ba parang mali kung ibibigay ko sayo ang numero ng investigator kung ako naman ang kliyente?"

Matalim ko siyang tinignan at inilapag ang baso sa harapan. Kalmado niyang pinanood ang bawat ekspresyon ko. Ayaw ko man magpakita ng ibang emosyon, hindi ko kinakaya dahil sa mga rason niya.

DM #2: Dean AndradaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon