Kabanata 22

20K 614 30
                                    

Kabanata 22

Crazy

He wrapped his arm around my waist as we walked towards his car. Ngayon na tuluyan ng kalmado, ramdam ko na ang pagod lalo na sa mga paa.

Pasimple akong yumuko para tignan ang suot na heels. It's not that high but I'm not used to it.

Ilang beses akong natapilok habang nililibot ang parking lot. Hindi ko pinapansin kanina pero ngayon ay halos hindi na ako makalakad ng maayos dahil kumikirot na. Kung hindi niya ako hawak ngayon, siguro ay ilang beses na naman akong natapilok.

Hindi ko pinahalata na hindi ako komportableng maglakad. Masyadong mataas ang pride ko ngayon para ipaalam sa kanya na nahihirapan ako.

Diretso ang lakad ko hanggang sa makalapit sa sasakyan. Ibang sasakyan ang dala niya, halatang bago.

His car made a noise together with the sudden flash of blinkers. It's now unlocked. He opened the door as he placed his hand at the top of the opening, protecting my head. Hindi ko siya tinignan at diretsong pumasok sa sasakyan.

Sinara niya ang pintuan. Saka ko lang naalala na wala akong dalang gamit at hindi pa ako nakakapagpaalam kay Noah!

Nakaikot na siya sa kabilang bahagi at bukas na ang pintuan pero hindi pa rin siya pumapasok.

Doon ko napagtanto na may kausap siya. Nagulat ako nang makita ang dalawang babaeng media sa labas. Parehong may suot na ID kaya sigurado akong media ang nakikita ko. Walang camera pero may hawak na recorder.

Hindi ako makapaniwalang umabot pa sila dito.

"Is that your girlfriend, Mr. Andrada?" narinig kong tanong ng isa.

"Yes,"

"Can we ask who? We can conclude that it's not Ms. Madison because she's still inside the gallery."

Tumingin ang isang media sa kung saan ako nakaupo. The car is heavily tinted, they can't see me here.

"I would like to keep this private." malamig na sabi niya at pumasok na ng sasakyan.

Pinaandar niya agad ang kotse. Nanatili ang tingin ko sa dalawang media na bahagyang yumuko nang lagpasan ng sasakyan.

Papalabas na ng parking lot ang sasakyan nang maalala ko si Noah. Nilingon ko ang gallery na marami pang media sa labas.

"Hindi pa ako nakakapagpaalam kay Noah, Dean." medyo natatarantang sabi ko.

Hindi siya nagsalita kaya nilingon ko. His jaw clenched before he answered without looking at me.

"Text him using my phone."

He swiftly took his phone out from his pocket and gave it to me. He looked serious that I think he's mad.

Wala akong nagawa kundi tanggapin iyon. Ang mga gamit ko ay nasa sasakyan ni Noah kaya wala akong ibang dala kundi ang sarili ko.

Tahimik kong binuksan ang cellphone at natigilan nang makita ang lockscreen. At parehas lang ang nasa homescreen.

It was me, sitting under a tree while facing the river of hacienda. Likod ko lang ang kita at ang mahabang buhok na nakahawi sa kabilang balikat. The picture looks peaceful because of the trees. I can't remember him taking a picture of me. Maybe he secretly took this.

Hindi na ako nagsalita tungkol doon dahil nakakahiya. Alam niyang ako ang nasa wallpaper pero binigay niya pa rin sa akin. It's not a big deal to him, I should act like it's not a deal for me too. Pero nananatili akong kuryoso kung bakit ako ang nasa wallpaper.

Tapos na ako magtipa ng mensahe nang muli akong magtanong nang may mapagtanto.

"Bakit ka may number ni Noah?"

DM #2: Dean AndradaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon