Kabanata 1

23.6K 647 105
                                    

Kabanata 1

Manolo

Tahimik akong pumasok sa bahay nang madatnan si Mama na natutulog sa sala. Nakita ko ang ilang bote ng alak sa lamesa na nagkalat. Pumasok muna ako sa kwarto para magbihis bago maglinis.

Maingat kong pinulot ang mga bote, iniiwasan ang paggawa ng ingay. Tinipon ko iyon sa labas ng bahay para maisauli sa tindahan na pinagbilhan.

Ilang balik ang nagawa ko para maihatid ang mga bote sa may-ari. Pumasok ako sa loob ng bahay nang matapos. Kumuha ako ng pamunas para sa lamesa.

"Nakauwi ka na pala,"

Napaigtad ako dahil sa biglang nagsalita. Nakaupo na si Mama habang pinapanood akong binabasa ang pamunas.

Tumango lang ako at ipinagpatuloy ang ginagawa. Piniga ko ang pamunas at naglakad patungo sa lamesa na kaharap niya.

"May pera ka ba?"

Tinignan ko siya at umiling. Hindi pa ako binigyan ni Papa ngayong linggo.

"Wala kang pera?" aniya sa medyo may kalakasan na boses.

"W-Wala pa po,"

"Wala kang kwenta!"

Mabilis akong nakalayo nang sinubukan niyang abutin ang buhok ko. Hindi ko ininda ang pagbagsak ko dahil sa gulat sa biglaang paglayo.

Dumagundong ang kaba sa puso ko, walang ideya kung ano na naman ang gagawin niya sa akin sa araw na 'to. Mas lalo pa akong kinabahan dahil wala dito si Papa. Hindi ko alam ang gagawin ko.

"At lumayo ka pa!" sigaw niya at tumayo.

Hindi pa ako nakakatayo nang mahawakan niya ang buhok ko at hinila. Nakagat ko ang pang-ibabang labi nang marahas niya akong hinila palabas ng bahay.

"M-Ma, bitaw po."

"Anong bitaw?! Wala kang kwenta,"

Malakas niya akong tinulak dahilan nang pagsubsob ko sa mabato na lupa. Agad gumasgas ang matatalas na bato sa balat ko. Hindi ko iyon ininda at pilit na tumayo.

"Ma, t-tama na."

Ngumisi siya at yumuko sa akin. Mahigpit niyang hinawakan ang panga ko at hinarap sa kanya. Gamit ang mga matatalim na mata, sinuri niya ang mukha ko.

Kalaunan, tumawa siya at marahas na binitawan ang mukha ko. Ramdam ko agad ang hapdi na nanggaling sa pagdiin ng kuko niya.

"May pinagmanahan ka nga talaga,"

Hindi ako nagsalita, walang alam sa pinagsasabi niya.

Sa lakas nang pagkakatulak niya sa akin kanina, nahihirapan na akong tumayo.

Tumalikod siya kaya inakala kong papasok na siya ng bahay at titigilan na ako. Pero nanlaki ang mata ko nang makita ang pagpulot niya sa isang bote ng alak na nasa gilid ng pintuan.

Sunod sunod ang naging pag-atras ko gamit ang mga kamay. Hindi ko na ininda ang pagbaon ng mga matatalas na bato sa palad ko.

"Alam mo, dati pa kita gustong tapusin," seryosong sabi niya.

Umiling ako sa takot. Bumuhos na ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Hindi ako makapaniwalang aabot sa punto na magagawa niya sa akin ang tinutukoy niya.

Kahit anong gawin kong sigaw dito, walang makakarinig sa akin. Malayo ang bahay namin sa daan at dagdagan pa na nasa gitna ng gubat.

"Hindi ko alam kung bakit ko pa pinapatagal,"

DM #2: Dean AndradaDonde viven las historias. Descúbrelo ahora