Kabanata 12

18.5K 589 43
                                    

Kabanata 12

Chased

Umalis din siya nang gumabi. Pabalik-balik siya sa Manila sa mga sumunod na linggo kaya halos hindi na rin siya nakakapunta dito. I kept quiet about what I've heard about his fiancé. I pretended as if nothing was wrong.

Hihintayin kong siya ang lumayo sa akin dahil hindi ko alam kung paano ako makakalayo lalo na't wala akong ibang mapupuntahan kundi ang hacienda lang. Wala pa akong sapat ng loob na umalis at harapin ang mga tao sa labas ng hacienda. The thought of their grudge scares me.

Halos hindi na siya pumupunta dito kaya mukhang nagtagumpay na rin ako sa pagpapaalis sa kanya. Ang palagi kong nakikita ay ang nagbabantay sa akin. Hindi niya ako kinakausap o nilalapitan kaya posibleng isa iyon sa mga utos ni Dean.

Puro pagpipinta ang pinagkakaabalahan ko habang wala siya. I kept myself distracted to avoid thinking about him. Sigurado akong nasa tamang kinalalagyan siya kaya hindi ko na dapat pag-isipan pa.

Ilang linggo ang dumaan pero wala siyang nabanggit tungkol sa pagpapakasal niya. Ilang beses ko siyang nakausap pero wala siyang nasabi. He acts like there's nothing wrong too.

Sa sumunod na linggo, mabilis kumalat ang balita tungkol sa pagbabalik ni Señorito Declan sa mansyon. Kasunod noon ay ang selebrasyon ng kaarawan ni Doña Solanna.

Abala ang mga tao sa lungsod sa paghahanda ng mga ireregalo kahit na imposibleng makapunta. Ang tanging makakapasok sa mansyon ay ang naninirahan sa hacienda. Maliban na lang kung personal kang inimbitahan ng mga Andrada.

Ilang taon na akong nasa hacienda pero hindi ko pa kailanman nakikita ang mansyon, kahit noong buhay pa sila Papa. Nasa dulo pa iyon at wala naman akong rason para pumunta kaya hanggang ngayon hindi ko pa nakikita. Kahit kuryoso sa itsura, hindi ako kailanman nagpadala.

Pababa na ang araw nang pumunta si Dean sa bahay. Hindi na ako nagulat na nandito siya at kakarating lang galing Manila. Lalo na't kaarawan ng Doña Solanna ngayon, imposibleng hindi siya uuwi. Siguradong nandoon din ang asawa niya. They're family after all.

"Do you want to go?"

Umiling ako. Natahimik siya at pinanood akong umupo sa sofa sa sala.

Hindi pumasok sa isip ko na dumalo roon. Hindi lang dahil sa nandoon ang asawa niya kundi pati na rin sa mga taong makakakilala sa akin.

"My work is done after the party." aniya.

Nilingon ko siya nang maupo siya sa tabi ko.

"Anong ibig mong sabihin?"

"My brother will now handle the business. I did my share of works, it's his turn now."

Tumango ako. Nakabalik na nga ang kapatid niya. Ang huling dinig ko noon sa lungsod ay may hinahanap daw.

"Babalik ka na ba ng Manila?" kalmadong tanong ko.

Bago niya pa masagot ang tanong ko, may tumawag na sa cellphone niya. Nag-iwas ako ng tingin nang tignan niya ako bago sinagot ang tawag.

"Yes. I'll be there in a minute."

Agad niya na ibinaba ang tawag. Napatingin ako sa kanya nang tumayo siya. He slid his phone on his pocket as he looked down on me.

"I need to go."  

Tumango ako at tumayo. Hindi ako nakagalaw nang lumapit siya at hinalikan ako sa noo.

"After the party, I'm staying with you." aniya bago tuluyang umalis.

Hindi ko maiproseso nang maayos ang kanyang sinabi. Mananatili siya sa akin pagkatapos ng party? Paano ang pamilya niya? Naguguluhan na ako.

DM #2: Dean AndradaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon