01

336 12 0
                                    

In reality, we need to pass different obstacle in our life. In reality, pain is a never ending cycle. There are good problems and bad problems, they say. Everything is a problem. It's a challenge that we need to complete. It's a challenge that we don't need to compete. 

"75, 74, 86... 72, 71, 74- eh anak puro lagapak itong grado mo eh. Pa'no na 'yung pangarap mong maging isang engineer? Ha? Sapphire? Hindi tayo mayaman anak." Dismayadong sabi ni Mama.

Nakayuko lang ako habang pinagsasabihan niya 'ko. Ginawa ko naman ang best ko para makapasa ako, hindi ko lang talaga alam kung bakit sa english lang ako confident na papasa ako. Hindi ko naman ginusto 'yon, tinanggap ko lang ang masasakit na salita na ibinabato sa 'kin ni mama, dahil alam ko sa sarili ko na ako ang nagkamali.

Napabuntong-hininga ako nang pumasok si Savhie sa kusina.

"Ate, may manliligaw ka raw sa baba." tawag nito sa 'kin. Nagkatanginan kami ni Mama at umiwas ito ng tingin sabay buntong-hininga.

"Paalisin mo, sabihin mo wala ako..."

"Eh kasi—"

"Babain mo na Drew," putol pa ni Mama.

Napabuga ako ng hangin habang pababa ng hagdanan. Ipinusod ko ang mahaba kong buhok at binuksan ang gate. Doon bumungad sa 'kin ang isang lalaki na may malawak na ngiti, inabot nito sa 'kin ang pulang rosas na tinanggap ko naman. Inayos ko ang sleeve ko at kinuha iyon sa kamay niya. Ngumiti lang ako at pumasok na.

"Huy! Ano ba 'yon? Gano'n mo nalang ba tatratuhin lahat ng manliligaw mo, Sapphire?" kunot-noo'ng tanong sa 'kin ni Savhie.

"Hindi ko alam... akyat na 'ko." Ani ko rito.

"Akin nalang 'to ah!" sigaw nito ng i-abot ko sa kaniya ang bulaklak.

TUMATANGGAP ako ng manliligaw, I wanted to experience it. However, i'm not that desperate to date men. I still coudn't find the right man for me. Nakatulala lang ako habang nakasakay sa bus na sinasakyan ko papasok ng school.

Bumuntong-hininga ako nang makababa sa bus, nakita ko agad ang bestfriend ko na kumakaway sa 'kin. A smile formed on my face when I saw her wearing a cosplay costume. Wala kaming uniform sa university na pinapasukan ko kaya kahit ano, p'wede namin suotin. I just wore a white plain shirt, brown corduroy, black baggy pants and a new balance shoes.

"Para kang pinagsakluban ng langit at tinaboy ng lupa sa itsura mo," natatawang aniya nito.

"Oh talaga? Para ka naman pinagkaitan ng tela sa suot mo," puna ko rito at hinampas naman ako nito sa braso. If i'm not mistaken she's cosplaying Jabami Yumeko from Kakegurui. Hindi ako mahilig sa anime. Lagi ko lang nakikita si Savhie na nanonood kaya nakakabisado ko na ang mga itsura nila.

"Excuse me? This is what you call cosplay, Lola. Palibhasa ang init-init sa Pinas nakasuot ka ng ganiyan," she fired back at hindi ko maiwasang angatan siya ng kilay.

Nang makapasok kami sa classroom ay laking gulat ko ng makitang one-sit-apart nanaman ang p'westo ng upuan. Aera groaned when she saw the classroom set-up. I heaved a deep sighed, kakabigay lang ng grades namin ay test agad. Naupo na 'ko sa p'westo ko at gano'n din si Aera. Maaga pa naman kaya hinintay lang namin ang Professor. Saglit namang lumabas si Aera para bumili ng juice at nanatili naman ako sa classroom. Napaayos ako ng upo ng may pumasok na Professor. 

"Goodmorning, class." bati nito sa 'min at lumampas naman ang tingin ako sa likod niya ng may kasunod itong babae na sobrang puti. Ang hinhin niya na maski pinggan ata ay mahihiyang mabasag. My mouth went half-open when I saw her angelic aura.

"We have a new student, kindly introduce yourself to them. She's an exchange student so... Let her enjoy your company." The Professor ordered in a calm tone.

Dandelions' TearsWhere stories live. Discover now