"Hoy tama na 'yan! Isa, sasapakin kita kapag hindi ka pa tumigil." saway ni Aera sa 'kin ngunit hinampas ko lang ang kamay nito at inilayo ang bote.

I don't care if i'm being drowned by alcohol. I don't care if I die today. Tangina naman kase, ansakit. Sabi na nga ba't una palang na kita ko rito dapat ay umiwas na 'ko. We're not good for each other. Oh let me rephrase it. I'm not good enough for her.

"Gagi... nakakatakot naman mag mahal. Ayoko na nga, buti nalang talaga loyal ako kay Dabi." aniya at sinimangutan ko naman ito.

Loyal daw kay Dabi pero iba-iba ang asawa kada linggo. Napailing nalang ako at nag salin ng alak sa baso. Tinungga ko 'yon. Napatingin ako kay Aera nang umupo ito sa tabi ko at tinungga ang baso ko. Napagod siguro kakasaway sa 'kin, umupo nalang.

"Aera," I called her.

"Ano nanaman, sinasabayan ka na nga eh." aniya nito.

"Nakakasawa mag mahal. Nakakasawa na, pero mas nakakasawang tumakbo. Sawang-sawa... na 'ko. Sawa na 'ko tumingin sa malayo..." sambit ko rito.

"Sumasang-ayon ako sa 'yo. Mahal na emperador." aniya at tinaas pa ang alak. Napangiwi ako ng makitang nakalahati niya na ang alak. Nauna pa yata siya malasing sa 'kin.

Nakahiga na si Aera sa upuan sa kusina habang ako ay nagawa pang lumipat sa sala upang do'n matulog. Medyo masakit ang ulo ko pero hindi ko na 'yon ininda pa. Ginusto ko 'to eh. Napahawak ako sa ulo ko ng maglandas ang luha sa mata ko, natatawa nalang ako sa sarili ko. Isang salita upang maipahayag ang sarili ko. Tanga.

"What the hell... is this? Hey! Get up." nagmulat ako ng tingin ng makita si Farah na nasa harap ko habang niyuyugyog ang balikat ko.

Napahawak ako sa ulo ko at umayos ng upo sa sofa. Napatingin ako kay Aera na may yelo sa noo habang nakahiga sa sofa. Ang kalat ng sala at kusina, galit na galit naman si Farah habang nakatingin sa 'kin. I'll just apologize to her later. For now, I need sleep. Akmang ipipikit ko ulit ang mata ko ng wisikan ni Farah ng tubig ang mukha.

"Ano ba?!" inis na sambit ko rito.

"Wow... drunk night, huh?" aniya.

"Mag g-gym nalang ako mamaya. Let me have my sleep please, Farah." sabi ko at hihiga ulit sana ako ng hilahin nito ang braso ko.

"N.O. You'll take a shower, wear a proper attire at makikipag meet tayo sa Allistair Corporation. Understood?!" sambit nito at naiinis naman akong tumayo.

Narinig kong humagalpak ng tawa si Aera. Nang-aasar pa ito na buti pa siya  bakasyon. Nakakainis naman talaga. Mag no-note talaga ako nextime na 'pag broken ako hindi na talaga ako iinom. Nakatitig lang ako sa sarili sa salamin habang naglalagay ng cream sa ilalim ng mata. Nang matapos isang long sleeve button down blouse lang ang top ko, I wore baggy pants to make me look taller. I just partnered it with white heels.

"Ready na." matamlay na sabi ko kay Farah at inirapan naman ako nito.

May misa nanaman na mangyayari.

"Eh kase naman, kung nextime mag lalasing ka, sana naman ay 'yung wala kang appointment kinabukasan hindi ba? Am I right Sapphire Drew?" aniya at tumango nalang ako habang ang paningin ay nakatuon sa labas ng bintana. Pinapanood ko ang mga sasakyan na lumalagpas sa isa't-isa.

"Farah... ansakit ng ulo ko." pag-amin ko rito. Hindi ko naman talaga sasabihin sa kaniya, pero baka himatayin naman ako mamaya.

"Ayan–"

"Just give me medicine please. Nonsense din 'yang paalala mo kung hindi naman ma-proseso ng utak ko." sambit ko rito at napabuntong-
hininga nalang ito habang inaabot sa 'kin ang gamot.

Dandelions' TearsWhere stories live. Discover now