"Tangina, kung papapiliin mo 'ko ngayon. Echo, ikaw pipiliin ko. Sabihin mo lang sa 'kin at hindi ko pipirmahan 'yon." mahinahong sambit ko rito.

She shook her head, "No... Ituloy mo. Nakaya ko nga ng ilang taon na wala ka. Ano ba naman 'yung ilang taon pa 'di ba?" aniya at ngumiti naman ako rito.

"I promise that i'll make you proud." I looked down at her lips before kissing it. We stayed like that for a minute. I moaned when she entered her tongue inside my mouth.

I don't have an idea what happened next but one's things for sure. We're both naked on top of my bed. I hugged her tightly but she didn't response 'cause she already fell asleep.

"Happy anniversary." I whispered before hugging her.

I woke up by the sunlight hitting my face. Nang magmulat ako ng mata nabigla ako ng makitang wala akong saplot. Agad kong kinuha ang tuwalya at naligo. Wala na si Echo pag kagising ko, nang makarating sa kusina nakita ko agad ang isang tupperware at may nakadikit na sticky notes do'n.

'Eat well Beb, sunduin kita later : )'

Napailing nalang ako rito. May meeting ako ngayon kay Mrs. Collymore dahil do'n sa career na gusto kong i-pursue. Nauna akong makarating do'n at maya-maya lang ay nakita ko na agad itong naglalakad papalapit sa gawi ko. Tumayo ako upang mag bigay respeto at ngumiti.

"Hala, kanina ka pa?" tanong pa nito.

"Hindi naman po." ngiti ko rito.

Umupo naman ako nang umupo na ito, nagtawag siya ng waiter at pinagsilbihan naman kami nito. Salad lang ang in-order nito para sa 'min dahil kailangan daw ma-maintain ang figure ko. Tumango naman ako rito. Nag pirmahan lang kami at nag-usap.

"Aayusin ko na ang mga papeles mo para ma-train ka agad sa company namin. Yiee excited na 'ko!" kinikilig na sambit nito at ngumiti naman ako rito.

Ito ba talaga ang gusto ko? Ginusto ko ba talagang mapunta rito dahil dito ako masaya? o dahil gusto ko lang makaalis rito sa kinatatayuan ko ngayon. Wala na akong magagawa kahit ano pa man sa dalawa 'yon, nakapirma na 'ko. Bumuntong-hininga ako at tumingin sa madilim na kalangitan, marahil ay may bagyong paparating nanaman. Ma, sana tama 'tong desisyon ko. Napapikit ako ng mariin.

"Beb," tawag sa 'kin ni Echo at hinarap ko naman ito.

"Oh? May kailangan ka pa?" tanong ko rito.

"Hmm, gusto ka raw makausap ni papa." aniya habang ngumunguya. Nanlaki naman ang mga mata ko rito.

"Kakausapin niya 'ko? Bakit daw?"

"Alam niya 'yung tungkol sa 'tin. Gusto ka niyang makausap. H'wag kang kabahan ah? Okay naman si papa sa relasyon natin. Si mom lang ang hindi..." she smiled then looked at the screen.

We're watching a movie in my room. Mas madalas na siya rito simula no'ng umalis si Aera para may kasama raw ako. Iniisip ko ang kaibigan ko dahil wala pa itong chat simula no'ng nakaraan.

"S-sure... kailan ba?"

"Bukas." Echo said and I nodded.

"Pumirma na 'ko." sambit ko rito at ramdam ko ang pagbabago ng mood niya.

She nodded, "Yeah... t-that's good. Good to know, yeah. I'm happy for you." sunod-sunod na aniya nito na parang hindi alam ang sasabihin. Nakatitig lang ako sa kaniya ng sabihin niya 'yon.

"Echo kung galit ka wala na 'kong magagawa. Nakapirma na 'ko. Kasi no'ng tinanong kita kung okay lang pumayag ka naman... kaya naman natin 'to ng LDR. Uuwi-uwi naman ako..." I assured her and she just pursed her lips then looked away.

Dandelions' TearsWhere stories live. Discover now