'She's on the company right now.'

Napapailing nalang ako ng mabasa ko ang chat ni Jianne sa 'kin. Since i've said to her that I want to win her back, she's been like this. Hindi pa nag s-start ang 60 days ko. I-tetext nalang daw ako nito tungkol do'n. Papunta na 'ko sa kumpanya ngayon, i'm not going there dahil ando'n siya. Nagkataon lang talaga na do'n din ako papunta.

Dumiretso muna ako sa comfort room bago pumasok sa office ni Farah. Inayos ko ang suot kong dress at inayos ang postura. Naglagay ulit ako ng konting lipbalm. Kinindatan ko ang sarili sa salamin bago tuluyang lumabas ng pintuan.

"Good morning, Farah!" masayang bati ko rito.

Hindi ko pinansin si Echo kahit na nakatingin ito sa 'kin sa peripheral vision ko. Umupo ako sa harap ni Farah at mukhang na w-weirduhan ito sa 'kin. Binigyan ko ito ng makahulugang tingin ngunit hindi niya 'yon nakuha. Since that day when she said that she love someone else. We never talked. 'Kala niya ba sumuko ako? No way.

"Good morning," sambit ko kay Echo at umupo sa tabi nito.

Nagulat pa ata siya ng sa tabi niya 'ko pumwesto. Umayos ito ng postura at umubo ng bahagya. I like that, is she nervous? Farah whistled playfully.

"What are you doing?" Echo whispered.

"What do you mean?" I whispered back.

"Why... are you sitting beside me?"

"Masama?" my brows furrowed.

She cleared her throat. "Hindi naman." aniya.

Napatango-tango naman ako habang tinatago ang pag ngisi ko. Nang matapos ang meeting ay wala naman talaga akong plano, nakasunod lang ako sa kaniya. Napatingin ako kay Echo ng humarap ito sa 'kin.

"Sapp, why are you following me?"

"Bored. Isa pa, I wanted to be your..." your girlfriend! " Your friend." my heart ached when I said that.

She nodded and smiled.

"Sure. Bakit ba nag papaalam ka pa?" natatawang sambit nito.

First step, befriend her. Again.

"Yey!" sigaw ko at nabigla naman ito ng lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang braso niya.

"Let's go to the mall!" sambit ko rito at  medyo naguguluhan pa rin siya, tumango nalang ito sa 'kin.

Let's just take things slowly, 60 days.

Nakasuot ako ng black na face mask at baby blue na cap. Bumagay naman 'yon sa dress na suot ko. Habang naglalakad ay pa-simple kong inaalalayan ito, pero lumalayo rin ako agad kapag napapansin niya. Nang makarating sa mall ay agad kaming dumiretso sa isang resto.

"Anong gusto mo?" tanong pa nito.

"My treat." sambit ko rito.

"Hmm? No. How i'll pay for this and you'll pay for our dessert later. Would that be okay?"

"Alright. Hanap lang ako upuan." sambit ko rito at nag pauna na.

Habang hinihintay ito ay nag hihintay rin ako ng message kay Jianne. Kapag hindi pa rin um-epekto itong 60 days na 'to. That means that we're not really for each other. But atleast I tried, atleast hindi ko sisihin ang sarili ko na antanga ko dahil p'wede naman maging kami... kaso hindi ako lumaban.

"You look stunning." nag-angat ako ng tingin ng makita ang isang lalaki na naka-tuxedo.

Hindi ko siya ma-mukhaan.

"Do I know you, Sir?"

"Barb. I courted you before," sambit nito at nakipag-kamay sa 'kin. He seems approachable naman.

Dandelions' TearsWhere stories live. Discover now