"Ito nalang, mas malamlam 'yung kulay niya." sambit ko at binato kay Aera ang lampin na kulay blue.

"Ayoko niyan. Ikaw ba 'yung nanay ba't ikaw namimili ng gamit? Epal 'to, pabuntis ka sa Echo mo." aniya at ginilid pa 'ko para makapili ng kulay.

"Gago ka... marinig ka ni Yoshi." I pouted.

"Alam mo, maiintindihan ka naman ni Yoshi. Baka nga mas gusto niya pa na makita kang masaya. H'wag mo kasi lagyan ng limit 'yung sarili mo bruha," she said in a monotonous voice.

Would it be okay if I would like someone even though I promised to her that in my heart, it'll always be her. But it's true we couldn't tell what's in the future. It's full of surprises and presents. Namimili kami ng gamit ng bata, dumating na kasi ang s'weldo ni Aera kaya grabe makahatak sa 'kin papunta sa mall.

"Speaking of... asan Echo mo?" saad nito.

"Nasa family dinner nila. Tanginamo ah, napapansin ko kanina pa 'yang 'mo' mo." inambahan ko ito ng batok at tumawa lang siya.

"Gusto ko siya..." she trailed off.

I glared at her and rolled my eyes.

"Para sa 'yo ito naman. Napaka-selosa mo naman mameh," natatawang pang-aasar nito.

"Hindi ko nga siya gusto, well, as a friend oo. Pero hindi niya kayang pantayan si Yoshi sa puso ko." I assured her.

She smiled widely, "Hindi niya kayang pantayan kasi nalagpasan niya na, aye." aniya at kinurot pa 'ko.

"Siraulo, sinasabi mo bang indenial ako?" tanong ko rito at tumango lang ito.

Tulak-tulak ko ang cart at siya naman ay panay ang lagay ng mga gamit dito. Habang nagbabayad sa counter si Aera ay kinuha ko naman ang cellphone ko, bakit wala pa siyang reply? I texted her good morning and asked her if she ate already but I didn't get any response.

"Hindi raw gusto pero kanina pa tingin ng tingin sa cellphone, ulul. Lokohin mo lelang mo," naitago ko ang cellphone sa bulsa at masasamang tinignan ito.

"Si Savhie ho tinitignan ko," ani ko rito at ngumisi nalang siya.

Matapos ay dumiretso na kami sa isang salon, sabi niya simula raw ng magka-problema siya ay hindi na raw siya nakakapag-ayos ng sarili, ayaw naman daw niyang maging losyang. Tinanong ako ng hairstylist kung ano raw ang gagawin niya sa buhok ko at sinabi ko nalang na kahit ano.

"Wew, edi ikaw na. Lakas maka-Anna Hathaway nang datingan mo teh," pang-aasar ni Aera na tinawanan ko nalang.

They cutted my hair in a mid-lenght, and colored it into ash brown. Iba ang ginawa ni Aera sa buhok niya, hindi ito nagpagupit ng haba ng buhok, tanging bangs lang at pina-highlight niya ito. Afterwards, nakarating kami sa bahay na pagod. Walang may balak magluto sa 'min kaya't um-order nalang ako.

"Bukas na 'ko aalis, tol. Sama ka? Kakausapin daw ako ng mga pulis, manghihingi ng statement ko." malamyang sambit nito.

"Sama ako 'no, 'kala mo, 'di ako sasama?"

"Huh? 'di ba may test kayo bukas?" takang sabi nito at napa face-palm naman ako ng maalala na may quiz nga pala kami sa major bukas.

"O-okay edi susunod ako."

"K." aniya.

"Okay please pass these." sambit ng lecturer at kagat-kagat ko naman ang ballpen ko habang inaalala ang pinag-aralan ko kagabi.

"Ms. Smith, can I talk to you after class?" nag-angat ako ng tingin sa professor.

"Yes, Prof." sambit ko at tumango-tango naman ito.

Dandelions' TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon