"Good morning." nabigla ako ng pagkalabas ko ng k'warto ko ay nakaupo na si Echo sa sala habang umiinom ng shake. She's wearing a mustard loose shirt that's tucked in, in her black mini skirt. She's also wearing black boots that made her look taller.

"Ang... aga mo ah." ani ko at dumiretso sa banyo.

"Well, yeah. Bilisan mo na, i'll wait for you." she giggled.

I wore a black tube top black flannel and baggy pants. Isa nalang naman ang sapatos ko kaya't 'yun nalang ang sinuot ko. I just put eyeliner and lip balm before I went out.

"Bagay sa 'yo..." she trailed off.

"I know," I smiled.

"Pero mas bagay pa rin tayo. Umangal crush ako," she said then laugh her ass off.

Sumakay nalang kami ng taxi at halos malula ako ng makarating kami sa mansyon nila. Grabe, mas malaki pa 'to sa bahay ng mga Smith. Pinagbuksan kami ng gate at ngumisi naman si Echo sa kanila. Nang makapasok ay naupo kami sa sala. Antaas nung ceiling nila, at ang ganda rin ng gintong chandelier na nakasabit sa taas.

"Jianne! May bisita ako," magiliw na tawag ni Echo sa kapatid.

Napatingin ako rito, she looks younger than Echo, she also have this kind of dark aura. Anlayo ng itsura niya kay Echo. Echo looks like a sweet woman. While her sister... she's pretty but kinda scary.

"Gano'n lang ugali no'n," she tried to hid her sadness but you could see it through her eyes.

Yoshi and Echo are both transparent.

"Echoella, is this the photographer you said that you hired?" a manly voice said.

I stood up to give respect and bowed my head. Ngumiti ako rito at binalik naman nito ang ngiti na binigay ko.
He looks familiar to me, oh shit. Mayor Beckett.

"Mayor. Good morning." I greeted.

"Oh Iha, kilala mo pala ako. Good morning din sa 'yo, pilipina ka pala. Hindi ka mukhang pilipina pero don't get me wrong ah, maganda ka." aniya.

"I told yah," Echo whispered.

"Ahh... salamat po. Half american po kasi ang papa ko." I smiled.

"Oh, that's why, anyway 'wag na tayo magpaligoy-ligoy pa at pumunta na tayo sa studio." he said, we followed him.

Hanep sa bahay may sariling studio.
Sumunod lang ako sa mag-ama na masayang nag-k-kwentuhan. I smiled weakly, kung hindi ba nag-adik si papa gan'to rin ba kami ka-close? I shook my head when Echo called me.

"Sapp. Mag ready na tayo." tawag niya pa, tumango naman ako.

May experience na 'ko sa mga gan'to dahil naging raket ko na rin ito no'ng mga panahon na tumatakas ako upang makagala. Iniipon ko pa pera ko para makapanlibre ng kaibigan.
Inayos ko na ang camera, may mga tao rin na tumulong para maganda ang lighting. Si mayor ang kukunan namin ng litrato. Nanginginig ang kamay ko ng ni-ready ko ang camera.

"Wow! Excellent, hindi ka nga nagkamali sa pag pili anak." masayang sambit nito habang nakatingin sa mga litrato.

Ngumiti naman ako rito, nag thumbs up pa sa 'kin si Echo. Ipapa-frame nalang daw nila 'yon. Nag-offer din ako na ako na pero tumanggi ito, mabait si mayor. Hindi ko lang alam kung bakit tinatawag siyang corrupt ng mga tao gayong malayo 'yon sa nakikita ko ngayon. Nakikita ko lang ang mapagmahal na tatay at may malasakit sa kapwa.

"Mayor, p'wede ko po ba kayong makausap sandali?" sambit ko rito.

"Oo naman. Echoella iwan mo muna kami," aniya sa anak.

Dandelions' TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon