A\N:  Play Something About You song by Eyedress

"Echo kinakabahan talaga ako... ayoko na." akmang ta-talikod na ako ng hilahin nito ang braso ko.

"You can do this... okay? Andito lang ako." she said then gave me a soft kiss on my forehead.

I sighed and knocked on the door. Lumabas do'n ang lola ko... nabigla ako ng hindi ang nakagawian nitong itsura ang bumungad sa 'kin. Nag-aalalang mukha nito ang bumungad sa 'kin at daglian akong hinigit ng yakap. Dahan-dahan kong nilagay ang mga braso ko sa likod nito.

"Apo... sorry ah, masiyado lang akong nasaktan sa nangyari sa daddy mo. I just realized that it's wrong to put the blame in you. In fact wala ka naman ginawang mali... Sorry apo. Babawi si Lola ah?" she said at dahan-dahan napangiti naman ako rito.

"Matagal ko na po kayong napatawad. L-lola." ramdam ko ang lakas ng pag-kabog ng dibdib ko.

"Lola... Girlfriend ko po, si Echo." I introduced Echo and lola hugged her tightly. We're both shocked but she just hugged her back.

"Salamat sa pag-aalaga mo sa apo ko. H'wag mo siya sasaktan ah?" sambit nito. We both chuckled from what she said.

"Hay na 'ko lola, kung alam niyo lang po. Ako ho ang sinasaktan ng apo ninyo." sumbong nito at natatawang nanlaki naman ang mata ko.

"Totoo ba, Sapphire?"

"Lola hindi po." naiiling na saad ko rito at natawa naman kaming tatlo.

Niyaya kami nito na umupo sa sala. Hindi ito ang pakay ko rito pero maganda na rin na nagka-ayos kami ni lola... hinahanap ng mga mata ko si Lolo. Nang mapansin iyon ni lola ay agad na hinawakan nito ang kamay ko. Ngumiti ito ng tipid ngunit may bahid ng lungkot ang mga mata nito.

"Namatay siya... Ilang buwan matapos kang mawala. Pinahanap ka niya, ilang buwan... ilang taon. Hanggang sa kumalat na ang pangalan mo, hinayaan ka na niya. Dahil ayaw na niyang maging dahilan ng pagka-lungkot mo muli. Nais niya lang manghingi ng tawad sa 'yo. Gano'n din ako..."

May parte sa puso ko na nais ibalik ang mga panahon na 'yon. Sa mga panahon na nasa baba ang pamilya namin ang lolo ko ang tumulong sa 'min. Anlaki ng naitulong nito sa 'ming pamilya. May pag-ka strikto nga lang ito. Gusto kong magpasalamat sa kaniya. Ngunit tanging abo nalang ang nasa harapan ko ngayon na nakalagay sa isang mamahaling lalagyan.

"Sapphire... si Savhie, ayusin mo ang relasyon niyo mag kapatid. S-simula no'ng nawala ka... araw-araw siyang bumabalik sa bahay niyo, sabi niya sa 'kin... babalik ka. Kaya't aantayin ka niya." nanikip ang dibdib ko ng marinig iyon. Hindi ko na namalayan na sa sobrang pagmamahal ko sa isang tao no'n. Nalimutan ko ang taong nagmamahal sa 'kin simula bata pa lamang ako. Tumulo ang luha na kanina ko pa pinipigilan at ramdam ko naman ang pag higpit ng pag-hawal ni Echo sa kaliwang kamay ko.

"No'ng sumikat ang pangalan mo... nagbago na siya. Hindi na namin siya maka-usap, nakikita kita sa kaniya no'ng bata-bata ka pa. Parehas kayong manamit... makitungo, ngunit ikaw galit ka sa mundo no'n, pero ang kapatid mo... galit siya sa 'yo kasi simula no'ng sumikat ka, pakiramdam niya... nalimutan mo na siya,"

Nangunot ang noo ko sa sinabi ni lola ngunit nanatili akong tahimik, nakikinig lamang sa kaniya. Parati ko siyang tinatawagan no'n, sinasagot niya pero laging wala itong sinasabi. Lagi kong sinasabi ang mga bagay na nangyayari sa 'kin ngunit ni isang salita ay wala akong narinig dito. Lagi akong nagpapadala ng mga gamit at pera... ngunit napagtanto ko, na Ate pala ang kailangan niya.

"A-asan po si Savhie, lola?" nakatungong sambit ko rito.

"Walang pasok 'yon ngayon. Marahil nasa rooftop at nagpapahangin. Ganiyan naman ang batang 'yan, kung wala sa k'warto niya ay nasa rooftop."

Dandelions' TearsWhere stories live. Discover now