Warning: Mention of Sexual Abuse/Suicide

"Sapp."

"Sapp?"

"Sapp!" she yelled.

Sinamaan ko ng tingin si Echo at ngumiti naman ito ng lingunin ko siya. Anong oras palang kaya nakahiga pa 'ko sa kama ko. At siya... lasing. Pero dito siya dumiretso sa bahay ko kaya nanggugulo siya. Ayaw daw niya umuwi dahil magagalit sa kaniya ang nanay niya.

"Sapp, knock-knock."

Ang kulit.

"Oh?"

"Ano ba 'yan! Wala kang childhood teh?" nakapikit na sambit nito.

"Who's there?" pinatulan ko nalang.

"Sapp." aniya.

"Sapp, who?"

"Sappiling ko, ika'y liligaya. Yiee," aniya at kinurot pa 'ko.

"Matulog ka na sa kama ko." utos ko rito at namula naman siya habang pa-gewang gewang na nag lakad.

Tumayo naman ako at kumuha ng isang unan para lumipat sa sofa. Papalabas palang sana ako ng makitang nakapikit na 'to ay bumangon ulit siya. Bumuntong-hininga naman ako.

"Lalabas ka? H'wag! Tabi na tayo." aniya at hinila ako.

Grabe ang lakas niya.

"Echo, sa labas nalang ako." I insisted.

"No! Walang lalabas. Matutulog ka diyan o matutulog ka diyan. There's no option for you Ms. Smith," she giggled.

Days passed, me and Echo are having a good time. We're close or more than that I think... Hindi ko siya gusto. Pero hindi lingid sa kaalaman ko na gusto niya 'ko dahil bulgaran niya itong sinasabi sa 'kin at hindi siya takot. Hindi siya takot sa maaring isagot ko sa kaniya. Nilagay ko ang T-square sa cart ko at kukunin ko na sana ang notebook pero may naglagay na no'n sa cart ko.

"Hah, 'kala mo makakatakas ka ah? 'Di oy!" natatawang sabi ni Echo.

Umiling nalang ako dito, namili na rin siya ng mga gagamitin niya para sa pasukan. May naipon naman na 'ko sa pagiging photographer ng pamilya nila. Pagkatapos mamili ay nag punta kami sa malapit na korean resto rito.

"Say aah na kasi." pamimilit nito.

"Ayoko, mukha tayong mag jowa." I said and she ignored me.

"So? Alam mo feeling ko crush ka niyang waiter. Makatingin sa 'yo grabehan, pigilan mo 'ko puputulin
ko-"

"Echoella, Language." Saway ko rito at parang bata naman nitong binalingan ang waiter na busy sa pag-asikaso.

Matapos kumain ay nagbayad na ito ng kinain namin. Ako naman ang mag ba-bayad mamaya kapag nag-commute kami. Nang maihatid ako nito sa bahay na palagi niyang ginagawa ay umaalis na agad ito. Pero ngayon ay nanatili lang ito ro'n habang nakatingin sa 'kin.

"May sasabihin ka?" tanong ko rito.

"Oo sana..."

"Then spill, Echo what's stopping y–"

"Gusto talaga kita." A small smile appeared on her lips while gazing down, I smiled faintly, and slowly pat her head.

"I know, but you do know that we're just friends, Echo. I don't like commitment for now." I whispered.

"Willing to wait naman ako ah? I just want to inform you."

"Lagi mo ng sinasabi sa 'kin 'ya-"

"At hindi ako magsasawa na paulit-ulitin sabihin sa 'yo 'yon hanggang sa kaya mo ng ibalik ang nararamdaman ko para sa 'yo. I know it's not your obligation to like me back, but please. I wanted to feel affection too, I wanted to feel important too." The woman held my wrist. I was just looking at her.

Dandelions' TearsWhere stories live. Discover now