"Does it still hurt?" tanong ni Echo habang nakasandal ang ulo ko sa balikat niya.

I'm done with this shit. A tear fell from my left eye when I remember all the things that happened.

"It hurt so bad..." I whispered.

"Do you want to talk about it or do you want space for now?" she asked and I just closed my eyes, I think she got the hint.

"Ate... ate bakit hindi m-mo sinabi sa 'kin? Ate," umiiyak na sambit ng kapatid ko.

I just smiled at her, I woke up early at bumungad sa 'kin sila lola na andito na sa bahay. Ayaw nilang pumasok kaya't si Savhie lang ang nasa harap ko, iniwan muna siya rito ng mga ilang araw at hindi ko alam kung bakit biglaan. Niyakap agad ako nito at nag-sorry. Wala naman siyang dapat ika-sorry gayunpaman, tinanggap ko na rin dahil wala pa ata ako sa tamang pag iisip para makapag-isip ng matino.

"Good morning! Breakfast for you– may bisita tayo?" napalingon ako kay Echo na lumabas mula sa kusina, nakasuot pa ito ng apron at may hawak na sandok.

"Kapatid ko, Echo kapatid ko si Savhie, Savhie siya si Ate Echo mo. A friend of mine." sambit ko kay Savhie.

Wala akong ideya kung anong itsura ko sa ngayon pero bahagya akong nahiya, marahil mugto ang mga mata ko at ang eyeliner ko ay nagkalat na sa mata ko dahil hindi na 'ko nakapaghilamos kagabi. Nagsuot ako ng jacket dahil baka makita ng kapatid ko ang mga hiwa sa kaliwang pulso ko at mag alala pa ito.

"Friend of mine ampucha." rinig kong bulong ni Echo at bumalik sa kusina.

"I think she likes you," Savhie stated while her eyes is still puffy.

"Yeah... I think so." I shrugged off.

Hindi na namin mabibisita si mama dahil pinagbawalan si Savhie nina lola. Ako lang ang pinapunta nila, sinamahan ako nina Aera at Echo. Ayaw ko panga isama si Aera dahil may pinagdadaanan din siya. Pero kapag may kaharap na ibang tao ay parang normal pa rin ang mga kilos nito. Hindi na pinaglamayan ang katawan ni mama at hindi na rin nila kami naantay dahil pag punta namin ay nilulubog na ang kabaong.

"Si papa 'yung nag-ayos niyan... sorry kung nangialam ako, Sapp. Gusto ko lang makatulong." sambit ni Echo at nag-peace sign pa sa 'kin.

"It's fine, if I have money I hope I could pay my debts." I said while looking at the trees.

"Gusto niyo ng scramble? Nag c-crave ako eh," ani Aerah at tumayo. Tumango lang ako rito at sinamahan naman siya ni Echo dahil hindi niya kayang bitbitin ang tatlong baso.

I realized, we all do have our own kind of problems, it's up to us if we'll let our emotion eat us or we'll stand up and face it. I ate the scramble, I looked at Echo, she thinks that I don't have an idea that she have a problem with their family. But I don't want to stick my nose into other people's businesses, and seems like she wanted it to keep private.

"Bakit hindi mo sinabi sa 'kin?" tanong ni Aera habang nakatingin sa hapag.

"Kasi may problema ka rin. At ayokong makadagdag pa. Siya nga pala, hindi ka hinahanap ng mama mo?" biglaang tanong ko rito.

"Hinahanap. Kaso hindi ako nagpapakita, eme lang, kaya ko naman na mag trabaho 'no. Ayoko rin maging pabigat sa 'yo kaya makikihati ako sa bayarin." aniya at humigop ng sabaw.

Kaya utak niya sabaw.

"Dapat lang 'no. 'kala mo sa 'kin mayaman?" natatawang ani ko rito.

Napatingin ako sa kamay ko ng makitang umaangat ang sleeve ng jacket ko. Binaba ko 'yon at iniba ang topic, nanatili lang ang paningin nito ro'n. Ngumiti ito ng alanganin sa 'kin. Nagpaalam ako rito na pupunta lang ng k'warto sandali, tumango lang ito at ng maisara ko ang pinto ay sumandal ako rito at naiiyak na dumausdos sa sahig. Marahil nangungulila pa rin ako sa nangyari kay mama.

Dandelions' TearsWhere stories live. Discover now