23

133 6 0
                                    


"Hoy, 'di ba 'yun 'yung crush mo?" napatingin ako sa tinuro ni Jayie, classmate ko. Napatuwid ako ng upo ng makitang dumaan sa harap ng room namin si Sapphire. Ang ganda niya, kaso gaya ng lagi nitong itsura, mukhang patay ang kaluluwa niya.

Kasama nanaman niya 'yung kaibigan niyang maingay. Nakilala ko siya last year, I was grade 10 back then, grade 8 lang ito. Ilang years ang pagitan namin but just like they said, love has no age.

"Marinig ka, ang ingay ng bunganga mo." saway ko rito.

"Ay sorry." aniya at akmang sinara ang bibig.

Araw-araw ko itong sinusundan, creepy na kung creepy but I just really wanna know things about her. Palagi siyang malungkot tuwing nakikita ko siya... Weird pero mas lalo ko siyang nagustuhan. Gusto ko balang araw ako ang dahilan ng pag tawa nito. Gusto ko balang araw ako naman ang dahilan ng mga ngiti niya. Na-to-torpe ako pag dating sa kaniya. Halos gumuho na ang mundo ko ng mabalitaan ko nalang sa mga kaklase ko na sila na ng exchange student na hapon.

"Lapitan mo na kasi, aamin ka lang naman." tulak sa 'kin ni Jayie habang nasa likod kami ng puno. Nakaupo ang dalawa sa kabilang bench at para kaming sira dito na nag-bubulungan.

"Oh talaga? Edi ikaw gumawa madali lang naman pala sa 'yo." inirapan ko ito at gano'n din ang ginawa niya.

Kuntento na 'ko sa gan'to. Tignan siya sa malayo. Not until one day I decided to show up... Binato ko siya ng tinapay. I really don't know what to do I felt jealousy. Days passed lagi ko na siyang nakikitang binabalik-balikan 'yung gitara. I don't know how to play guitar pero binili ko parin 'yon ng mag tangka ang isang lalaki na bilhin 'yon. Oh no, boy that's for my baby.

"Miss sorry pero akin 'yan." aniya.

"No... Hindi. Akin 'to," pagsu-sungit ko at mukhang nauubusan na siya ng pasensya sa 'kin. Bakit ba, akin naman talaga.

"Fine. I'll let you have this on one condition-"

Nilapagan ko ito ng sampung libo at napatahimik naman ito. Sukbit ang handle ng case nito ay malas namang nakasalubong ko pa si Sapphire. Nakatingin ito sa 'kin na parang may masama akong ginawa. Baby this is for you, but for now i'll just keep this. Bumuntong hininga ako at nilaro ko lang ang paa ko, nag-angat ako ng tingin at napailing. Nilagpasan ko nalang ito, sinadya ko pang bungguin ang balikat nito.

Nang makalagpas ay halos magtatalon ako sa kilig at impit na napasigaw. Days passed, I was worried when I saw her looks like a walking zombie. Nagpa-imbistiga ako sa mga ka-grupo ko kung ano na ang nangyayari sa kaniya. I have a group called Gaheta. We kill people, but only bad people for sure. Hindi ako masiyadong pokus do'n kahit ako pa ang tumatayong leader nila.

"Namatay 'yung anak ni Tachibana. 'Yung hapon na naloko ng malaking kumpanya sa japan." sambit ni Jax habang may kagat na sigarilyo.

"Seryoso ba?" kunot-noo'ng tanong ko rito.

"Oo nga, walang tiwala ampucha edi ikaw tumingin." aniya at binato sa 'kin ang cellphone. Sinadya kong hindi saluhin 'yon kaya napamura ito. Inabot ko 'yon at nakita na patay na nga talaga ang girl friend nito.

Hindi ako masamang tao pero parang may kasiyahan na sumibol sa puso ko na may kaunting pag-asa para sa 'kin. Nag g-gun firing kami ngayon ngunit iniwan ko muna 'yon at pumunta ng hospital. Nakita ko ito na nakaupo sa sahig, my heart ached for a second. Dumaan lang ako rito at binigay ang panyo na may nakasulat na note.

Nakasilip ako sa gilid ng hallway at nakita ko naman napakunot ang noo nito habang nag babasa. Andaming nangyari na hindi ko inaasahan. Si Mama ay pinakilala sa 'kin ang anak ng kaniyang kumare. Balak nitong manligaw sa 'kin... My mom doesn't know anything about my sexuality. My dad already knew also my sister.

Dandelions' TearsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora