Chapter 5 - Longing

75.6K 1.7K 458
                                    

Madison P.O.V.


'Ok....so what had just happened?'


Napahawak ako sa ulo ko na parang sumakit bigla.

Sumulyap ako sa pintuan kung saan lumabas ang nagmamadaling si Reese na akala mo ay nakakita ng multo.

'Ano kaya nangyari dun at bigla na lang umalis? Akala ko aawayin na ako ng todo.'

Ilang sandali pa ako nanatili sa room, hindi ko alam kung lalabas na ba ako o magstay muna ako ng ilang minuto pa.

Parang hindi ko na alam ang gagawin ko kapag nagkita na naman kami ni Reese. Sumandal ulit ako sa may sink habang nag iisip, tumungo ako at tinignan yung dress na suot ko. Visible pa din yung mantsa dito pero hindi na ganun kahalata kagaya kanina. Nilapag ko na lang ulit yung towel sa sink at saka naghugas ng kamay.

I decided na lumabas na din, nakakahiya kasi kay Reema baka hanapin ako.

Pagbalik ko sa loob ng grand ball ay nakita ko nasa stage na sina Reese, Reema and their dad, may sinasabi sila pero hindi ko na inintindi. Parang gusto ko na kasing umuwi pero hindi pa ko nakakapagpaalam kay Reema.

Iginala ko yung mata ko at may nakita akong isang kakilala from HR department na nakatayo malapit sa bar counter. Lalapitan ko na sana sya para batiin ng bigla akong may mabunggo na halos matumba naman ako.

"Oh strewth!" sabi ng angelic na boses ng isang babae.

Humarap sya sa akin "Sorry mate.." and she smiled, napansin ko kung gaano siya katangkad at kasexy na parang isang modelo.

Nakita ko din na tinitigan nya ako na parang nakilala nya ako, kahit hindi naman. Dahil doon ay bigla tuloy akong nagblush. Seriously Maddy?

"Ok lang it was my fault anyway...hindi kasi ako tumingin sa dinadaanan ko." sa wakas ay nahanap ko din yung boses ko. Nakakailang kasi syang tumingin eh.

May sasabihin pa sana sya ng marinig kami na tila may tumatawag sa kanya "Hey Jordaine!" at humangos papalapit sa amin ang dalawang babae na halos kasing ganda din nya.

Nakilala ko agad ang isa sa kanila. Teka si Eliz ba ito? Yung boss ni Dakota at pinsan ni Reese at Reema? Nagkakilala kami dati noong sinamahan ko yung kapatid ko para magpa VTR sa agency nya.

Nagkakwentuhan kami at nabanggit ko na friend ko yung pinsan nya na si Reese pero after ng aksidente ay hindi na ako naalala nito.

"We were looking for you kanina pa." sabi nya sa girl na nabunggo ko.

"Sorry, I was busy talking to some guy..."

"Eliz!" tawag ko sa kanya at mabilis naman syang bumaling sa akin.

Nagulat sya ng mamukhaan ako "Madison?! Hey girl nandito ka din pala." lumapit sya sa akin at saka kami nagbeso.

"Oo...ininvite ako ni Reema." sagot ko naman pagkatapos.

"I'm glad to see you again....naalala ka na ba ulit ni Reese?" masaya syang nakatingin sa akin.

Pero umiling lang ako "Hindi pa din up to now..." napatungo ako.

"Awww too bad, sorry to hear that girl." parang nalungkot din siya sa narinig.

Pagkatapos nun ay pinakilala nya sa akin yung dalawang kasama nya na sina Autumn na gf nya at si Jordaine na kapatid pala nya. Lumapit din silang dalawa sa akin at nagbeso.

Remember 2 Love me (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon