Chapter 7 - Confession

61.6K 1.9K 561
                                    

Reese P.O.V.

Hindi ko pa din maiwasang mapangiti habang pabalik na ako sa room namin.

Imagine naman kasi talagang nasabi ko kay dela Rosa na naenjoy ko yung aksidenteng pagkakahalik nya sa akin kanina.

Alam ko naman talagang aksidente yun, nakita ko na out of balance sya dahil sa pagkakahila sa kanya nung katabi nya.

Ang cute nya kaya noong nagblush sya malamang dahil sa pagkapahiya at halos hindi na nga sya makatingin sa akin. At ewan ko kung anong kalokohan pa yung pumasok sa isip ko at nagawa ko pa syang lokohin sa pamamagitan ng pasimple kong pagdila sa gilid ng labi ko.

Sobrang naninibago ako sa sarili ko ngayon, kasi naman ibang iba na ang treatment at maging nararamdaman ko sa kanya mula pa kanina umaga noong nagising kaming magkayakap pa.

Noong una ay binalak ko lang talaga syang inisin dahil sa pagkakahuli kong pagtitig nya sa akin pero nang hinila ko siya at saktong napaupo siya sa ibabaw ko ay hindi ko maintidihan ang sarili ko – pero parang napakafamiliar na ganun sya ka close sa akin. Yung tipong ang normal lang sa sarili ko titigan sya sa mata at yakapin siya sa waist nya.

But wait....What??

Napahinto tuloy ako sa pagbukas ng doorknob dahil sa naisip ko na yun.

Paanong mangyayaring maging familiar o normal na magkalapit kami ng ganun eh kung sa simula pa lang at galit na ako sa kanya bago pa man ako magkaamnesia.

Nakakapagtaka naman.

Pinagpatuloy ko na ang pagbukas ng pinto, dumiretso ako sa kama at pabagsak na nahiga. Hapong hapo ang pakiramdam ko...pero hindi ang katawan ko, kung hindi yung isip ko.

At kahit pagod na ay hindi pa din ako natigil sa pagiisip sa clumsy na babae na yun. Ayaw ko man aminin pero alam ko na unti unting naglalaho yung nararamdaman kong inis sa kanya.

I should hate her dahil sa tangka nyang pang aagaw kay Blake before at ngayon ay pagsipsip kina Reema, Brandon at Dad. Pero bakit ganito wala na akong makapang galit o anumang negative feelings sa kanya.

I really find her so adorable pa nga....and so fragile. Para syang isang babasaging crystal na kailangang ingatan dahil sa isang maling galaw lang ay maari itong mabasag.

Nanlaki ang mata ko nang maisip ito. Oh really now Reese??!! Something is terribly wrong with me alam ko. Bakit kasi ganito na ang nararamdaman ko ngayon?

I sighed. Nakatitig lang ako sa ceiling at unti unti ay naramdaman ko na bumibigat na yung mata ko.

Napalinga ako sa paligid at doon ko napansin na nasa loob pala kami ng isang pool. Nakababad ako sa malamig na tubig pero himalang hindi ako nilalamig, ang init pa nga ng pakiramdam ko at ewan ko kung bakit.

Ang liwanag ng buong paligid dahil sa sinag ng bilog na buwan....napakatahimik ng paligid..so peaceful. Yun ang bagay na hindi ko nararamdaman sa loob ng maraming taon.

Nagulat ako ng may biglang ma humawak sa mukha ko, pagharap ko ay nakatayo pala sa unahan ko yung "misteryosong tao", yung laging laman ng panaginip ko.

Habang hawak nya ako at titig na titig sya sa mga mata ko...at doon ay saka sya nagsalita.

"Ikaw lang ang mamahalin ko Santillan..."

Sukat ng marinig ko ito ay hindi ko mapigilang mapangiti. Masaya ako...alam kong masayang masaya ako ng mga sandali na yun.

Automatic na hinapit ko sya sa waist nya bago ko sya ginawaran ng makaputol hiningang halik sa labi.

Remember 2 Love me (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon