Chapter 6 - Only exception

78.7K 2K 628
                                    

Reese P.O.V

Isang konklusyon ang nabuo sa isip ko.


She's really turning me in to a lesbian!


Paano naalala ko na naman yung nangyari kanina sa party. Yung kung bakit parang gusto ko syang halikan. Yung kung bakit gusto ko yung sweet scent nya..at higit sa lahat yung kung bakit hindi maalis sa isip ko yung mukha nya.

My gosh Reese!

Ang sarap mo lang batukan para bumalik ka na sa katinuan mo! As if i was under a spell or something, feeling ko kasi ay nawalan na ako ng kontrol sa sarili ko.

Physically attracted ba ako sa kanya? Bakit ganun eh madami din naman akong girls na nameet sa New York na hindi hamak na mas maganda at mas sexy sa kanya pero bakit sa kanya lang ako nagkakaganito?

I was supposed to hate her at hindi yung maattract ako sa kanya! Bwisit talaga!

Sumandal ako sa upuan at pumikit habang hinihilot ang sentido ko. Kasalukuyan kaming nasa loob ng limousine kasama ko sina Dad at Reema pauwi na kami kakatapos lang ng party. Pasimple akong nag inhale at exhale para makalma naman ang mga nerves ko.

At mukhang succesful naman dahil nagsisimula na sana akong marelax -- kaso bigla kong narinig yung kanta na nagmumula sa radio.

♫ But darling,

You are the only exception.You are the only exception.You are the only exception.You are the only exception. ♫

Nag init bigla ang ulo ko ng marinig ito, paano naman para kasing pinapatamaan ako. Inis na dumilat ako saka tumingin doon sa driver mula sa rear view mirror.

"Kuya paki off nga ng radio." mahinahong sabi ko although deep inside ay nagngingitngit na talaga ako.

Sumulyap sa akin si Reema na katapat ko lang "Head ache?" tanong nya.

"Yeah" at saka ulit ako pumikit.

If you only knew the reason.

Si Dad busy pa din hanggang dito kausap si Tita Jenna sa phone, nasa Hongkong kasi ito ngayon and doing some business there. Ang swerte din kasi pati Randel ay wala din dito, nasa Cebu naman siya ngayon at umattend ng seminar.

Pagdating sa bahay ay diretso na agad ako sa room ko, nagpalit ng damit at nahiga. I checked my phone at nakita kong may miscall si Blake, pero sa halip na magcall back dito at pinili ko na lang na itago ito sa loob ng drawer. Sabihin ko na lang sa kanya bukas na nakatulog na ako sa pagod.

Habang nakahiga ay nagsimula na naman maglakbay ang diwa ko.

Madison.

Nakakaintriga siya...sobrang naiintriga ako sa kanya. Hindi ko kasi maintindihan kung anong attraction ang meron sa aming dalawa ay ramdam ko ang spark everytime na magkakadikit kami.

At ang worst pa doon ay selos na selos ako kapag nakikita ko syang hawak ni Reema o ni Brandon.

Bakit ba naman kasi ako nagseselos? Ano ba talaga??

Wait! Baka....baka hindi naman talaga selos yun....hmmm baka naiinis lang ako kasi feeling close sya agad doon sa dalawa. Pagjujustify ko na lang.

Nga ba..?

Sumubsob ako sa unan at pinilit na matulog – tutal hindi ko din naman alam ang kasagutan sa mga katanungan sa isip ko.

***************************************

Remember 2 Love me (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon