Epilogue

4.9K 314 164
                                    

Sa lahat ng nagmahal sa love story nina Reese at Maddy  sa loob ng 9 na taon ay  taos puso akong nagpapasalamat sa inyo. Sa wakas ay magkakaroon na din ng ending ang story ni minahal nating lahat mula pa sa Book 1 (Kissing Reese Santillan). 

Sana ay patuloy nyo pa din akong suportahan sa mga susunod ko pa na mga stories na ipupublish dito sa Wattpad o sa ibang platform man yan.

Sa muli po, magkita kita pa din tayo sa susunod na stories siguradong mamahalin nyo din kagaya ng pagmamahal nyo dito sa story ko when I first publish it on June 24, 2014.

Sad to say wala po akong gagawin story nina Aly & Drew or ni Reema & Kayah. Stand alone stories na lang ang next stories ko.

The beautiful Ms. Geng Maderazo as Maddy, sorry walang ibang picture si Ms. Charmaine kasi hindi sya model kagaya ni Ms. Geng. :(

______________________________________________

Maddy P.O.V.

 After 2 years .....

"Tara Maddy sakay na tayo." si Aly habang excited siya na sumakay sa gondola ng MOA eye habang dahan dahan itong umaandar. Kailangan bilisan mo lang ang lakad mo para makasakay sa loob nito dahil kung hindi ay mapagiiwanan ka.

Isang cycle lang naman ang ikot nun. Kaya sayang ang 200 pesos mo kapag nagkataon.

Inalalayan kami ni Kuya para makapasok sa loob bago nya ito isinara. Namiss ko na magpunta dito sa Mall of Asia, isa ito sa paboritong mall namin ni Aly. Bihira na lang kami nakakapunta dito mula ng tumira na kami ni Reese sa condo nya.

"Ang ganda ng view dito no, kaya siguro ang mahal ng bayad." sabi niya habang sabay namin pinagmamasdan ang magandang view mula dito. Mag alas singko na din ng hapon kaya medyo maliwanag pa naman ang paligid.

"Naalala mo ba noong last na sumakay tayo dito?" tanong ko habang nakataas ang isang kilay ko. Gusto ko lang sya asarin.

Ngumuso lang ito ng tila alam na ang tinutukoy ko.

"Oo na friend, alam ko na ang sasabihin mo." 

Natawa ako saka inilabas ang phone ko at may hinahanap dito.

"Teka nandito pa ata yung recording na sinend mo, yung sinabi mo na.... ano nga ba yun?" patuloy kong pang aasar sa kanya.

Sumimangot ito "Hay naku, wag mo na ako asarin. Matagal na yun no syempre nagiiba din ang tao." napipikon na sagot nya habang nagroroll pa yung mata nya.

Lalo ako natawa sa arte nya"Binibiro lang kita, grabe ang pikon mo." Sabi ko kasi mukhang hindi na maipinta ang mukha ng gaga.

Asar na kukurutin nya sana ako mabuti na lang at mabilis akong nakaiwas. Ang sarap talaga asarin ni Alyana.

Maya maya ay bigla ito  natahimik saka sumilip ulit sa labas "Namimiss ko ko na nga yung utot na yun eh." sabi nito saka bigla nalungkot na tila nateary eye pa.

Mula ng magkaayos sila ni Drew two years ago a camping site na pag aari ng pamilya nina Sydney ay halos na hindi na magkahiwalay ang dalawa.

Madalas din silang mag out of the country, kung saan saan bansa na sila nakapunta at minsan ay nakikijoin kami dito kagaya last last year noong nagpunta sila ng Maldives.

Nasa Davao ngayon si Drew para asikasuhin yung malaki nilang farm doon, isa iyon sa mga businesses ng pamilya nya na siya na ngayon ang nagmamanage. Every now and then ay nagpupunta siya dito.

Ilang beses na din nakapunta si Aly sa Davao pero this time ay hindi muna sya sumama. Nagfamily reunion kasi sila last week at siya ang organizer kaya hindi siya pwede mawala dito.

Remember 2 Love me (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon