Chapter 31 - My Bff Alyana

15.6K 697 288
                                    


Madison P.O.V.

Saglit akong sumulyap sa Diyosang kasama ko, hindi ko mapigilan ang pagbilis ng tibok ng puso ko kapag napapasulyap din siya sa akin.

Her beautiful eyes, her gorgeous smile, the way she talks, the way she looks at me..lahat yun gustong gusto ko pagmasdan.

Reese was always this bossy, bitchy, easily irritated, jealous and sometimes unreasonable..but that's her and I love all about her.... like the way I accepted all her flaws.

Napapansin ko mula ng bumalik ang memorya nya ay ang dami na nagbago sa kanya, hindi na siya laging galit, selosa pa din pero nawawala din agad at higit sa lahat mas lalo siya naging sweet.

Napangiti ako. Ang swerte ko sa dinami dami ng tao sa buong mundo ay sa akin pa siya nagkagusto...sabi ko nga sa kanya dati 'I never dreamed someone like you could like someone like me.' Bakit sino ba naman ako kung ikukumpara sa kanya?

She was fuckin' Reese Santillan, the ever gorgeous, popular, super rich girl who happened to noticed me because she caught me staring at her..inside the school's comfort room.

Sa dami ng pagbabago sa buhay namin sa loob ng apat na taon ay hindi ako nagsisisi na hindi ako sumuko sa kanya. Kapag naalala ko pa din yung sandali na naaksidente siya at muntik na mawala sa akin ay naiiyak pa din ako.

I felt a part of me died back then.

Bumalik siya noon pero hindi nya ako naalala na akala ko ay hindi ko na kakayanin pa. Mabuti na lang nandyan ang pamilya ko at kaibigan ko na si Aly. Speaking of Aly....oh welll, nakausap ko sya last time at may pinagtapat sa akin ang loka loka na yun.

Napangiti tuloy ako.

"Hey Miss, what are you smiling at?" pukaw ni Reese sa akin. Nakataas ang isang kilay nya while looking at me.

Umiling ako "Wala, may naalala lang ako." luminga ako sa paligid. Kasalukuyan kaming nasa Mall of Asia at ang daming tao ngayon kasi Linggo siguro at may event na car show ng mga naggagandahang sasakyan.

Naramdaman ko ang braso ni Reese na umakbay sa akin habang minamasdan din nya ang mga sasakyan na nakadisplay doon.

Malaya ko napagmasdan ang napakagandang girlfriend ko. Ang hot nya sa suot nya na cropped hoodie na tumaas lalo dahil sa pag akbay nya sa akin at naexposed ang flat tummy nya. Napansin ko ang ilang tao na dumadaan ang napapatingin sa kanya at maging nasa tabi namin na panay sulyap sa kanya.

Humilig ako sa kanya and covered her exposed skin by hugging her. And yes possessive ako at wala akong pakialam.

Reese looked at me raising an eyebrow tapos nangingiti na tila alam nya kung bakit ko ginawa yun.

"What?" I asked her.

Nagkibit balikat lang sya saka inalis ang kamay nya nasa balikat ko. Magpoprotesta pa sana ako kaso hinawakan nya ako sa kamay at saka kami naglakad.

"Did you sleep well?" she asked pagkaupo namin sa loob ng Starbucks. Kakatapos lang din namin maglunch kanina sa world of chicken, paborito ko talaga ang pesto pasta doon. Maaga kami pumunta dito, around 10AM siguro kakabukas lang ng mall.

First date ulit namin ito bilang kami na kaya excited ako. Sobrang namiss ko ang old Reese na kilala ko. Kaya ng muling bumalik ang alaala nya ay walang patid ang saya sa puso ko.

Sumipsip muna ako ng malamig ko na mocha frap saka ako sumagot "Yes and you?"

"Yes." saka din nya ininom ang dark mocha frap nya.

Saglit kong tinigil ang pagsipsip ko sa frap ko saka tumitig sa kanya. Kanina ko pa napapansin parang may gumugulo sa isip nya. Like now nakatingin lang siya sa baso para ang lalim ng iniisip.

Remember 2 Love me (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon