Chapter 25 - Cold heart

45.5K 1.6K 1.5K
                                    

Madison P.O.V.

Pilit kong dinilat ang mga mata ko. Naramdaman ko agad ang hapdi nito dulot nang matindi kong pag iyak.

Luminga ako sa paligid pero puro dilim ang nakikita ko.

Where am I?

Pilit kong inalala yung nangyari kanina at doon ko naisip ang huling nangyari bago ako nakatulog.

I was hugging her tight as if my life depended on it.

Reese..

Kinapa ko ang yung kama pero nadisappoint lang ako nang marealize kong bakante ito.

Where is she?

Bumangon ako, naglakad na parang bulag na kumakapa, at sa wakas nakapa ko na sa wall ang switch ng ilaw.

Pagbukas ko dito I again felt the familiar disappointment and sadness.

I was still in my hotel room. Dito nya pala ako dinala.

Oh well, did i really think Reese would take me somewhere like she used to?

Iba na ngayon. Naisip ko. Hindi na ito kagaya dati na sobrang baliw lang namin sa isa't isa.

Dumaretso ako ng bathroom and i decided na maligo para mahimasmasan ako. Sana kasama na din nito mahimasmasan pati ang feelings ko sa kanya.

Naramdaman ko na naman yung sakit nang maalala yung mga sinabi nya. Yung bumibitaw na siya sa aming dalawa.

Ang sakit sakit na. Pakiramdam ko i was cursed in my past life kaya ako pinaparusahan ng ganito ngayon.

Pagkatapos maligo and towel dried my hair ay nahiga lang ako. Nagiisip ako ng gagawin ko. Tinignan ko yung bag ko na nakalapag sa table. Natutukso akong tumakas pabalik sa amin.

Wala na naman kasing sense na nandito pa ako...

Thinking about it. Naiiyak na naman ako.

Pero hindi ako dapat panghinaan ng loob. Not now. Kung ayaw na nya sa akin ano pa ba ang magagawa ko?

Inipon ko yung lakas ng loob ko bago ako tumayo. Binuksan ko yung door at saka sumilip sa labas. Hindi ko matanaw dito kahit sino sa mga kasama ko. Naisipan ko tignan ang oras. Alas siete na pala. Shit ang tagal ko ata nakatulog.

Sa pagkakaaalala ko ay lunch time noong nagpunta kami sa resto para kumain.

Ganun na ba ako kapagod para matulog nang ganun katagal? I felt so emotionally exhausted. Gusto ko na magpahinga pagod na pagod na ako. Sa totoo ay hindi na ako naging panatag mula ng mawala sa akin si Reese. Magkahalo na ang lungkot, guilt at longing na nararamdaman ko mula noon hanggang ngayon.

Kailan kaya ako magkakaroon ng peace of mind?

When i finally found the courage to get my bag and i opened the door slowly. Aalis na ako sa lugar na 'to. Bahala na.

Basta ang gusto ko lang makatakas...makatakas sa kanya...doon sa malayong malayo.

Sumilip ulit ako bago lumabas. Dahan dahan ko din isinara ang pinto. Luminga ulit saka naglakad.

Ilang lakad pa ako at medyo nakahinga ako ng maluwag nang makalampas ako sa mga rooms nila. Pababa na ako sa hagdan nang makarinig ako ng boses mula sa likuran.

"You're right in time." boses ng isang lalaki.

I quickly turned around and saw Nick.

I saw his perfectly chiselled face with devilish smile. His almost perfect form.

Remember 2 Love me (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon