Extra chapter - That kiss

79.3K 2.2K 611
                                    

Madison P.O.V.

Sobrang ganda ng panaginip ko kagabi, parang totoong totoo kaya....imagine bumalik na daw si Reese.

Yung dating Reese ko. Yung Reese na mahal na mahal din ako.

Nakadagdag pa dito ang ramdam ko na lambot ng niyayakap ko, ang sarap tuloy ng gising ko.

'Ang lambot at bango naman ng unan na ito ah.' naisip ko habang unti unti kong iminulat ang mata ko.

Pero nanlamig ako at hindi makapaniwala sa nabungaran ko.

Isang tulog na tulog na si Reese Santillan!

Bigla tuloy nanlaki ang mata ko. OMG panaginip pa ba ito?? Ilang beses pa akong pumikit at dumilat para tiyakin na totoo nga ang nakikita ko.

Pero talagang totoo nga! Seriously paanong nangyari na......? I mean bakit kami magkatabi dito sa kama??!

Sukat doon ay narealize ko yung posisyon naming dalawa...nakayakap ako ng mahigpit sa waist nya habang sya naman ay nakayakap ang isang braso sa akin.

Napalunok ako nang mapansin ko din kung gaano kalapit ang mukha namin sa isa't isa na halos ga dangkal lang ata at para na naman tuloy akong tanga na nabato balaning nakatitig lang sa magandang mukha ng Dyosang yakap-yakap ko.

Pinakatitigan ko sya.... and yes she's still this so fuckin' flawless and perfect! Hindi ko tuloy magawang alisin ang tingin ko sa mukha nya.

Sobrang namiss ko yung moment na ganito sya kaclose sa akin at bagamat hindi ko talaga lubusang maalala kung paano kami nag end up sa iisang kama ay hindi na yung naging importante pa sa akin ng mga sandali na yun.

Wala sa sariling inangat ko yung kamay ko and I was about to touch her face when she suddenly opened her eyes and caught me right there and then!

Mabilis kong ibinaba ang kamay ko at hindi ko malaman ang gagawin ko ng magtama ang mata namin!

What the heck?! Kanina pa ba sya gising?? Alam nya kaya na kanina ko pa sya pinagmamasdan?

Ang naging instinct ko sa sobrang pagkapahiya ay automatic na kumalas sa pagkakayakap namin at agad na lumayo.

I bet pulang pula...as in talo pa ang kamatis sa kapulahan ang mukha ko ngayon.

Agad akong umiwas ng tingin, hindi ko kayang salubungin yung tingin nya....kasi naman it's so embarassing!

"Good morning..." narining kong tinuran nya, at ewan ko kung imagination ko lang pero parang ang bait nya ata at ang sweet ng boses nya.

Kahit namumula pa din ay pinilit kong sumulyap sa kanya at lalo ata akong namula nang makita ko yung itsura nya.

She was smirking. Parang natutuwa pa sya sa nangyayari sa akin ngayon.

"Are you done checking me out...?" as if she was teasing me kaya hindi ko mapigilang mapalunok nang narinig ko kung gaano nya kasexy sinabi yun.

Ano ba yan! Kahit nagkaamnesia na siya ang galing galing pa din nya pagrambulin ang buong sistema ko sa isang tanong nya lang!

Pinilit kong kinalma ang sarili ko, iniwas ko ulit ang tingin ko sa kanya at tumingin ako kahit saan – sa pader, sa ceiling, sa kama....basta 'wag lang sa mukha at sa nakakainis na ngiti nya.

"Excuse me?! For your information I wasn't checking you out!" pag reason out ko, gusto ko batiin ang sarili ko dahil hindi ako nabulol. Paano naman ang bilis bilis ng kabog ng dibdib ko...leche naman oh parang mahihimatay na ata ako!

At kahit hindi ako nakatingin sa kanya ay alam kong nakataas yung isang kilay nya sa akin ngayon na parang hindi naniniwala sa sinabi ko.

"Actually nagulat at nagtataka lang ako kung bakit tayo magkatabi dito sa kama..." luminga ako sa paligid at doon ko lang napansin na hindi pala ito ang room namin nina Beth at Agnes. Kahit hindi ko tanungin ay alam kong room nila ni Reema 'to.

Remember 2 Love me (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon