Chapter 39 - Girls night out 2

7.2K 333 79
                                    

Madison P.O.V.

Halos mag alas dose na ng madaling araw na din kami nakauwi ni Reese sa condo. Masaya ako kasi nakapiling ko ulit ang pamilya ko na halos isang linggo ko din hindi nakasama.

Naisip ko nga paano pala kung mangingibang bansa ako? Baka wala pang isang buwan ay magkumahog na akong umuwi ng bansa. Hindi kasi ako sanay na malayo sa kanila.

Alam ko iniisip ni Reese na baka hindi ako masaya na magkasama na kami ng tirahan at malayo sa pamilya ko. Masaya ako kasama siya mula sa paggising namin hanggang sa pagtulog. Naninibago pa lang din siguro ako na hindi ko nakikita araw araw ang magulang at kapatid ko.

"Ang lalim ata ng inisip mo?" tanong ni Reese habang lulan na kami ng elevator. Nandito na kami sa opisina na kahit puyat kami ay maaga pa din naman kami nagising para pumasok.

Sumulyap ako sa kanya saka ngumiti "Naisip ko lang yung mga nangyari kagabi. Masaya lang ako nakasama ko ulit sina Itay."

"Gusto mo na ba bumalik sa inyo?" nabasa ko ang takot sa mga mata nya na baka sabihin ko na 'oo'.

"Hindi. Ok na sa akin makasama ko sila kahit sa weekends. And beside may asawa na ako kaya kailangang nakabukod na."

Bigla syang napangiti sa sinabi ko "I'm so lucky to have you." Bago nya ako hinawakan ng mahigpit sa kamay.

Kaso dumating na ako sa floor ng office namin kaya wala na ako nagawa kung hindi pisilin na lang din yung kamay nya bago ako lumabas ng elevator at may mga sumakay na din na ibang tao.

Pagpasok ko sa office namin ay nakita ko agad si Aly na may kausap sa phone nya. Binati ko siya tapos tumango lang siya. Mukhang seryoso ang pinaguusapan nila nung kausap nya.

Inilabas ko yung egg pie na binili namin ni Reese sa nadaanan namin na bake shop. Hindi na namin magawa sabay na mag agahan sa condo dahil kapos na din sa oras. Dalawa ang binili ko para tig isa kami ni Aly.

Nang natapos na sa kausap nya ay lumapit sa akin si Aly sa may pantry.

"Oi akin ba yung isa dyan?" naglalaway na tanong nya habang nakatingin sa eggpie na nilabas ko.

"Oo dalawa talaga binili ko para tig isa tayo." Mahilig din kasi siya dito kagaya ko. Naalala ko yung dati namin binibilhan na panaderia sa kanto nila kaso nagsara na.

Excited syang tumabi sa akin saka nagtimpla ng kape. Mukhang hindi pa din siya nagbreakfast na kagaya ko.

"Nakabalik na pala si Reema." nabanggit nya habang kumakagat sa eggpie.

"Oo kahapon. Nakita mo siya?" tanong ko habang humihigop ng kape. May ilan din kaming kasama na nandoon sa pantry na kumakain. Malaki naman dito kaya hindi din magkakarinigan habang naguusap.

Tumango siya "Oo nakasalubong ko. Akala ko nga si Reese kaso magkaiba lang sila ng buhok." Sabi pa nito.

Long silky black hair kasi si Reese habang hanggang balikan na kulay light brown naman ang kay Reema.

Ibinaba nya ang eggpie sa table saka humigop din ng mainit na kape "Tingin mo ba nakamove on na siya sa'yo?" mula sa kape na iniinom nya ay umangat ang tingin nya sa akin.

"Shhhh ano bang tanong yan Alyana." Saway ko sa kanya saka luminga. Mabuti na lang mukhang busy sa kanilang pinaguusapan yung ibang kasama namin. Medyo malakas kasi ang boses ni Aly baka may makarinig.

Nagkibit balikat siya "Wala naisip ko lang. Diba kasi obvious naman na type ka nun." This time ay medyo hininaan nya na yung boses nya.

Mula kasi doon sa farewell party nila dati hanggang sa pagbalik nya at pag aya na lumabas kami ay nahalata din siguro ni Alyn a magiliw sa akin si Reema.

Remember 2 Love me (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon