Chapter 14 - Jealousy

66.1K 1.8K 686
                                    


Hi guys, again with the "cr scene". Haha

Sointoyou06

______________________________________________

Reese P.O.V.

Kinabukasan maaga pa lang ay nagmamadali na akong pumasok sa opisina, at syempre bakit hindi eh may isang tao lang naman ako na gustong gusto na makita kahit magkasama lang kami kagabi.

Pagpasok ko sa loob ng office ko ay kinuha ko agad yung cellphone ko at saka nag isip kung ano ang itetext ko sa kanya.

Hmmm something like good morning or have a nice day ahead..?

Napailing ako. Para kasi akong ewan, para lang mag send sa kanya ng isang text eh talagang pinagiisipan ko pa kung ano?

'You're so pathetic Reese..' pang aasar ng kunsensya ko pero inignore ko lang ito.

At sa huli ay isang simpleng text na lang ang napagdesisyunan kong isend. I pressed the send button bago ko inilapag yung phone sa table ko, inopen yung laptop ko para makapagumpisa na ng trabaho.

I was checking my e-mail pero hindi ko pa din maiwasang sulyapan yung phone ko na baka sakaling may magtext dito. Napabuntong hininga ako saka napasandal sa chair ko. This is crazy. I wasn't like this with Blake before.

Anong meron si Madison dela Rosa at nagkakaganito ako?

Doon ay biglang nagvibrate yung phone ko at napadiretso ako ng upo. Kumakabog kabog ang puso ko habang inoopen ko yung message.

But to my disappointment ay hindi pala ang inaasahang tao ang nagtext sa akin. It was Cher, she's just reminding me sa dinner namin mamaya. I didn't bother to reply, tila nawala ako bigla sa mood.

Naasar ako kasi hindi man lang nya nagawang magreply ni Madison sa text ko. For sure on the way na yun dito sa office or baka nga nasa office na sya.

Hindi kaya low bat ang phone? Walang signal? Walang load? O baka busy at may kausap?

......Busy kausap si Brandon?

Thinking about this ay bigla nag init ang ulo ko. Si Brandon kinakausap nya pero ako hindi man lang nya nagawang replyan??

How dare her!

Inis na tumayo ako at lumabas ng office. Binati ako ng ibang empleyado na nakakasalubong ko pero hindi ko sila pinansin. Mainit kasi ang ulo ko at tuluyan na akong nawala sa mood!

Sumakay ako sa elevator at mabigat ang kamay na pinindot ang button ng floor level ng accounting department.

Ding!

Madilim ang mukhang bumaba na ako ng elevator papunta sa pintuan kung saan may nakaukit na malalaking letra na "Accounting department". Malapit na ako dito nang bigla itong bumukas at inuluwa ang nakangiting mukha ni Brandon na tila ang ganda ganda ng gising.

"Hey Reese, good morning.." bati nya sa akin saka na ako nilampasan. Habol tingin ko sya ng nagliliyab ko na mga mata. Sana nga may lumabas ng apoy dito para matupok na yung nakakainis na si Brandon na lagi na lang aali aligid kay dela Rosa.

Mahigpit ang hawak ko sa doorknob saka ko ito pinihit bago malakas na tinulak. Bakas ang gulat sa mga mukha ng mga tao na nandoon sa loob ng marinig ang marahas na pagbukas ng pinto. But i didn't care! Mabilis ang matang hinanap ko ang pakay ko at hindi naman ako nahirapan na makita sya.

Naglalakad sya papunta sa office ng head nila, hindi gaya ng mga kasama nya ay tila hindi nya napansin ang ginawa kong malakas na pagbukas ng pinto dahil busy sya sa pagbaba ng mga papel na hawak nya.

Remember 2 Love me (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon