Chapter 27 - Make a wish

22K 968 386
                                    


Madison P.O.V.

Reese completely ignored me the whole time. Masaya silang nagsasayawan nina Cher at Blake na parang wala na kami doon ni Brandon. Nasasaktan ako pero hindi ko yun pinapahalata sa kanya.

Inisip ko na lang na gusto nyang magpakasaya tutal ay birthday naman nya.

Madalas na napapasulyap kami sa isa't isa pero kapag nahuhuli ng isa ay agad din namang umiiwas ang isa.

Gosh! I couldn't take my eyes off her. Whatever i do. Whoever i'm with.

May sinasabi si Brandon pero wala doon ang isip ko. Lumilipad ito doon sa babae na sobrang ganda pa din sa paningin ko kahit lasing na lasing na.

"Maddy? are you listening?" Brandon interrupted my train of thought.

Doon ay bumalik sa akin kung nasaan ako. I almost got lost in my own wonderland and honestly that made me almost forgot about him.

I looked at him blankly "Huh?"

"You're zoning out again.." malungkot sa sabi nya saka napasulyap sa direksyon na tinitignan ko kanina. Sa direksyon ni Reese.

"I'm sorry, what was it again?" i gave him a sheepish smile. Masyado na kasi ako pre occupied sa mga iniisip ko.

"I was telling you about my..."

hindi pa sya natatapos sa sinasabi nya ay naglalakbay na naman ang isip ko. Masyado ako nadidistract sa presensya ni Reese. Sa bawat tawa nya, sa bawat kilos nya, sa bawat pagindak nya.

Sapat na yun para makalimutan ko na naman kung nasaan ako ngayon.

"Ayan ka na naman. Ang lalim ng iniisip mo." na tila naiinis na siya kasi siya nga yung katabi ko pero nasa iba naman ang atensyon ko.

Kung ibang babae lang ang nasa lugar ko baka masayang masaya ito at hindi na pakawalan pa si Sir Brandon. Malas lang nya kasi may iba ng may nagmamay ari ng puso ko..

I looked at him and noticed his striking physical features - he's tall, chiseled jawline, bedroom eyes, kissable lips, broad shoulder, messy hair. He is also well educated, a true gentleman & came from a wealthy family – in short he's like every girl's dream guy .

Pero bakit ganun? Kahit anong isaksak ko sa isip ko ang perpekto nya ay ayaw naman sumunod ng pasaway kong puso.

"Sorry. Madami lang kasi akong iniisip." Napabuntong hininga ako.

Sa totoo lang madami talaga, pero yung madami na yun nakatuon lang sa iisang tao.

It felt weird. Parang minsan kasi ay masyado na ako naoobsess kakaisip kay Reese. Yung tipong sa kanya na lang halos umiikot ang mundo ko.

Pero yung tao na yun wala naman pakiaalam sa akin. Walang pakiaalam sa nararamdaman ko.

"What about? Kasama ba sya sa iniisip mo?" He asked sabay tingin sa direksyon ni Reese.

Natigilan ako. Bakit nya natanong yun? Ganun na ba talaga ako kaobvious?

Hindi ako umimik. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Gusto ko itanggi kaso pagod na ako magsinungaling sa tao sa paligid ko.

Sa halip ay tinungga ko ang bote ng beer na hawak ko. Nahihiya ako kay Brandon pero wala talaga ako sa mood ngayon. Gusto ko lang sana bumalik sa kwarto at mapag isa kaso ayaw ko naman maging KJ.

"She's really pretty, even me i got crush on her when i first saw her. Kaso gf siya ng brother ko kaya eventually nawala din.." kwento nya habang umiinom din ng beer.

Remember 2 Love me (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon