Chapter 23 - Daze

35.8K 1.5K 732
                                    

Dahil sobrang namiss ko silang dalawa ay naisipan ko at naisingit ko na din mag update. Salamat sa patuloy na nagbabasa ng story nina Reese at Madison kahit lagpas a year na since last akong nakapag update.

Cheers guys!


Reese P.O.V.

"Yes, i'm yours....exclusively."

Sobrang saya ko nang marinig ito mula sa kanya kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko na yakapin siya ng mahigpit.

I closed my eyes. She's mine exclusively...thinking about this i felt my heart beats faster than usual. Shit may arrhythmia na ata ako. My heartbeat is irregular.

Ganito talaga ang nagagawa nya sa akin.

I sighed and at that very moment i felt happy and confused at the same time. Naisip ko, pwede palang maramdaman yun nang magkasabay.

Happy kasi alam ko na pareho kami ng nararamdaman. I care for her alot and i know she feels the same way too.

Confused kasi hindi ko na alam ano yung meron sa amin. We're obviously more than friends and almost like lovers.

Yung bagay na matagal ng gumugulo sa akin but at the back of my mind ay takot akong alamin kung ano ba talaga.

I just wanted to enjoy this special moment with her.

"Reese?" nag aalala ang boses nya. Nagtataka sya siguro kasi ang tagal ko natahimik. Ang dami kasing tumatakbo sa isip ko.

"Hmmmm?"

"Ang tahimik mo, ano ba iniisip mo?" malambing na tanong nya.

"This....us.."

Naramdaman ko na niluwagan nya yung pagkakayakap ko saka nya ako tinitigan sa mata.

"Us..." napangiti sya. Alam kong masaya siya sa sinagot ko.

Tumango ako "Yes..us... kaya remember from now on hindi na pwede na may guys na aaligid sayo. Do you understand?" seryosong tanong ko sa kanya.

Pero sa halip na sagutin din ako ng seryoso ay bigla lang syang napatawa.

"Aali aligid talaga? Ano yun aso?" yumuyugyog pa yung balikat nya habang tumatawa...and i find it really cute kaya ilang segundo lang ako nakatitig sa kanya. Her smile is so contagious. Napansin nya pananahimik ko kaya natigilan siya.

"Nakakapanibago ka Reese, ang tahimik mo..." may tono ng pag aalala na sabi nya.

"Paano hindi mo naman kasi ako siniseryoso.." sagot ko naman na may halong pagtatampo. Akala nya ata nagbibiro lang ako sa sinabi ko.

Hinawakan nya yung mga kamay ko nakapatong sa lap ko "OK...to answer you, yes, i understand. Sabi ko nga diba from now on I'm yours exclusively.."

Nag uumapaw sa saya ang puso ko dahil alam ko na simula sa araw na ito ang magbabago na ang lahat sa amin.

Kinurot ko sya sa pisngi "Ang cute mo talaga.." napangisi ako ayaw ko lang mahalata na kinikilig ako dahil sa sinabi nya.

Napasimangot sya "See? Ikaw naman pala ang hindi seryoso dyan eh.." pagmamaktol nya. Humiga siya sa kama patalikod sa akin.

Ako naman ang natawa "Natuwa lang ako. Ano ka ba." pang aamo ko sa kanya. I swear madalas ay parang bata lang talaga 'to si Kuting.

Pero tahimik lang siya hindi pa din ako pinapansin.

Humiga ako sa tabi nya saka sya niyakap sa waist nya "Kuting ano ba? Para yun lang nagtatampo ka na?"

Remember 2 Love me (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon