Chapter 30 - Back home

22K 763 502
                                    

Reese P.O.V.

Kakauwi ko lang sa bahay at sobrang napagod ako sa byahe kahit wala naman ako ginawa kung hindi matulog habang nakasandal sa girlfriend ko.

I miss her already kahit halos dalawang oras pa lamang mula nang magkahiwalay kami.

I am so happy dahil bumalik na ulit sa akin ang lahat. Mula sa alaala ko hanggang sa taong pinakamamahal ko! I couldn't be so happier dahil sa wakas ay nawala na din ang tinik sa dibdib ko mula nang mangyari ang aksidente.

Isang bagay na lang ang natitirang gumugulo sa isip ko hanggang ngayon, ito ay kung sino ang may pakana ng lahat ng nangyari sa pagkikita ni Kuting at Nick at maging ang nagtext sa akin para puntahan sila sa park.

Habang nasa malalim ako na pagiisip ay napasulyap ako sa phone ko, kanina magkatext lang kami pero malamang ay nakatulog na yun kaya hindi na nakapagreply.

I decided na humiga na din para magpahinga for sure madaming trabaho ang nagaantay sa akin bukas. Kakapikit ko pa lang para matulog na ng biglang itong nag ring, nagulat ako at naexcite...akala ko si Kuting na pero pagtingin ko sa screen ng phone ay pangalan ni Reema ang lumabas dito. Medyo matagal na din noong last na tumawag sya.

Nag alangan pa akong sagutin pero naisip ko na baka may importante lang syang sasabihin.

"Hey Sis." narining kong bati nya. Mukhang masaya ang boses.

"Do you have any idea what time it is here?" medyo iritable na sagot ko, like seriously? 2:20AM na at mabuti at gising pa ako dahil kung nagkataon na tulog na ako at nag ring ang phone ko baka maihagis ko pa ito sa inis.

"Haha. I know, that's why I called you sissy, i missed you!" Sabi nya sa tono na nang aasar pa talaga. I rolled my eyes. Sissy your face.

Bago pa ako nakasagot ay nagsalita siya ulit "By the way belated happy birthday.... to us!" bati nya sa mataas na tono, saglit na inilayo ko ang phone sa tenga ko. I swear ang taas ng energy nya ngayon.

"Thanks. Belated Happy birthday too." napilitan din akong batiin siya.

Kahit hindi ko nakikita ay alam ko nakangiti ito "Thanks. How's your Cebu weekends celeb?"

Nawala bigla ang inis ko nang nabanggit nya yung Cebu vacation. Wala sa sariling napangiti ako at isang tao lang naman kasi ang biglang pumasok sa isip ko.

"It was fun! We also checked the island recently bought by DA & S." kwento ko at tila nakalimutan ko na hindi ko kaclose na kakambal ko ang kausap ko.

Tila naexcite sya nang marinig ito"Wow. Maganda ba? I heard there's an old mansion there!".

"Yeah. It's kinda creepy though. Mukhang may nagpaparamdam nga doon, yung dating may ari ng mansion. Just like the movie haunted mansion." Syempre hindi yung totoo. I love that place! Ayoko lang pupunta siya doon kasi ang dami namin memories ni Kuting dun.

"What? Seriously? Haunted na ata yung place na yun. Geez. I won't go there." halata ko ang takot sa boses nya at pinigilan ko matawa. I know Reema na kahit ang angst ng dating nya eh matatakutin sya sa ghost at sa kung anumang masamang elemento.

Like really naniniwala sya dito kasi daw noong maliit sya meron syang imaginary friend or something sabi nina Lola, nawala lang ito when she got older.

Ang speaking of Lola and Lolo ay saglit ko silang kinamusta. I miss both of them. Baka daw next month makakabalik na si Reema dito. Sana hindi na lang, i secretly wished, pero mabilis ko itong binawi. Ang bad ko talaga, she's my sister after all at hindi lang yung twin pa kami. Dapat siguro magsimula na akong maging mabait sa kanya.

Remember 2 Love me (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon