Chapter 42 - Ang masarap na creamy garlic mushroom chicken

8K 465 45
                                    


Reese P.O.V.

"Reese...wake up.." sabi ng isang mala anghel na tinig.

Nasaan na ba ako? Pilit kong inalala kung ano yung huling nangyari at doon naisip ko yung pagputok ng baril ni Randel at nawalan ako ng malay.

Did I die?

Nasa langit na ba ako?

Naramdaman ko ang isang malambot na kamay na tila humahawak sa mukha ko.

Napakafamiliar na pakiramdam na hawak ako ng mga kamay na yun.

I knew it was indeed Kuting, my girlfriend, my one and only.

Mula ng inagaw ko ang baril kay Randel ay narealize ko kung gaano ko siya kamahal...na kaya kong itaya ang sarili kong buhay mailigtas lang siya.

Kaso mukhang hindi ako nagtagumpay. Here I was, in this place na hindi ko alam kung saan.

Magaan ang pakiramdam ko. I felt peaceful for a while.

But then again I suddenly missed my Kuting.

Her cute face, her pretty smile. Yung nagpopout siya kapag naiinis siya sa akin. Yung pagmamahal at pag aalala nya sa akin.

Yung paghihirap nya sa loob ng 4 na taon na nawala ang memorya ko.

Yung tipong saglit pa lang mula ng bumalik ang memorya ko......pero sasaktan ko ba siya ulit dahil sa gagawin ko paglisan?

No! Hindi ako papayag na masaktan ko na naman siya dahil sa aalis ako. No. tama na yung apat na taon na pinagdaanan nya. Kuting deserves to be happy this time.

Thinking about this ay pinilit ko idilat ang mata ko.

Puti ang buong paligid na nabungaran ko. Eto na ba ang langit?

Saglit pa akong pumikit at dumilat. Pinipilit kong inaninag ang tila may taong nakatingin sa akin.

She was like an angel smiling at me. So pretty..

Pero teka...bakit kamukha siya ni Kuting ko?

"Kuting...?" pinilit ko magsalita kahit parang tuyong tuyo ang lalamunan ko.

"Reese I'm so glad you're awake..." sabi ng magandang anghel na kamukha ni Kuting.

Naramdaman ko na hinawakan nya ulit ako sa pisngi. Her hand was so soft and warm. Para akong dinuduyan at inaantok na naman ako.

"I miss you sexy kitten.." bulong nya sa akin kaya muli akong napadilat.

I realized It was really her. My Madison dela Rosa.

"You're really here?" hindi ako makapaniwala. Bumalik na siya? Napuno ng saya ang puso ko.

Kahit hinang hina ay pinilit ko ngumiti ang abutin ang kamay nya.

Yes. Totoo nga nandito na siya.

"Ang tagal mo nakatulog sleeping beauty.." nakasmile na sabi nya.

"P-Paanong..?" She's here. Halos maiyak na naman ako. She's safe. Nakabalik siya ng ligtas.

Biglang bumukas ang pinto ng room at pumasok sina Dad, Reema at Aly.

Masaya akong niyakap ni Dad at ng kapatid ko. Masaya din akong gumanti ng yakap sa kanila.

Binati ko din si Aly na maaliwalas na ang mukha ngayon hindi gaya ng huli kami magkasama.

"Where's Blake? Is he ok?" naalala ko nabaril siya noong nagpambuno sila sa baril ni Randel.

"Oo iha, nasa kabilang room siya nagpapagaling na. Mabuti na lang at sa bandang balikat lang siya natamaan ng bala." Sagot ni Dad.

Remember 2 Love me (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon