Chapter 34 - Living with her

12.5K 558 254
                                    


Madison P.O.V.

Halos madaling araw na din ako nakauwi pagkatapos ng masayang date namin ni Sexy kitten. Hindi maalis ang ngiti ko hanggang makapasok na ako ng bahay.

Ang sarap sa pakiramdam na parang bumalik yung sandali ng unang date namin sa resort nila. Kakaiba ang saya, parang nawala lahat ng sakit na dinanas ko sa loob ng 4 na taon.

Yung sakit na akala ko ikamamatay ko na. Mabuti na lang at nakasurvive ako dahil kung sumuko na ako dati ay hindi ko mararanasan ang ganitong saya na makasama muli si Reese.

Reese was my everything at mahal na mahal ko siya. Sa kanya ko lang naramdaman ang magmahal ng ganito.

I locked the door at pagharap ko ay nagulat pa ako nang mabungaran ko si Dakota sa may sala na may inaayos na damit sa maleta nya.

"Hey. Late na ah? Mukhang may out of town ka na naman." sabi ko habang inaaalis ang sapatos ko.

"Oo 'te, bukas sa Ilocos kami. Saan ka galing 'te ginabi ka na ata?" tanong nya habang patuloy pa din siya sa ginagawa nya.

"Oo. Lumabas kasi kami ni Reese.." sagot ko naman habang naglalakad palapit sa sofa at tumabi sa kanya.

Saglit syang huminto sa pag aayos ng gamit nya saka sumulyap sa akin"You seem so happy 'te. I'm so glad bumalik na ulit ang maaliwalas na itsura mo. Hindi kagaya dati para kang zombie na gumigising lang araw araw para pumasok sa trabaho." sabi nya nang nakangiti.

Nakuha pa talaga magbiro. Alam na alam nya kasi yung hirap na dinanas ko noong umalis si Reese at kinalimutan nya ko.

Napabuntong hininga ako bago sumagot "Those days are over. Masaya na kami ni Reese ngayon. Alam ko madami pa kaming problemang pagdadaanan pero hindi ako natatakot kasi alam ko na nandyan siya para sa akin." sagot ko saka naisipan kong tignan ang cellphone ko.

For sure nagtext na yung kung nakauwi na siya. I suddenly miss her kahit ang tagal namin nagkasama ngayong araw. Ganun naman talaga ata kapag mahal mo yung tao, kahit ilang oras na kayo nagsama ay biglang mamimiss mo siya kapag nagkahiwalay na kayo.

Mabuti na nga lang ang naisipan nya na magsama kami and to think na makakasama ko na sya araw araw mula sa paggising hanggang sa pagtulog. Isang word lang ang naiisip ko - heaven.

And speaking of pagsasasama namin sa condo nya ay may biglang nagtulak sa akin para banggitin ito sa kapatid ko dahil alam naman nya ang tungkol sa relasyon namin ni Reese.

"Dakota may sasabihin pala ako sa'yo..." seryosong sabi ko. Saglit syang tumigil ulit sa ginagawa nya saka humarap sa akin.

"Mukhang seryoso yang sasabihin mo 'te ah." nabasa ko ang curiosity sa mukha nya.

"Kasi ano.." hindi ko alam paano ko sisimulan. Hindi ko kasi sigurado kung ano ang magiging reaksyon nya dito. Granted na tanggap nya ang relasyon namin ni Reese pero up to what extent? Magagalit kaya siya sa akin?

Saglit akong nawala sa realidad kakaisip ng sasabihin ko sa kanya.

Nakataas ang kilay nya pagtingin ko sa mukha nya na tila naiinip na sa anumang sasabihin ko.

"Ano kasi...m-magsasama na kami ni Reese, doon na ako titira sa condo nya." sa wakas ay nagkaroon ako ng lakas ng loob na sabihin ito. Magkahalong excitement at kaba din ang naramdaman ko pagkatapos ko yun sabihin sa kanya. Parang may naalis na mabigat na bagay na nakadagan sa dibdib ko.

Nanlaki ang mata nya "Magsasama as in mag live-in na kayo?" halata ang gulat nya. Hindi ko tuloy alam kung masaya ba siya sa narinig o hindi. Ang hirap kasi basahin ng nararamdaman nya.

Remember 2 Love me (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon