Chapter 36 - Ice cream

8.6K 383 127
                                    


Maddy P.O.V.

Kinabukasan, nag inat inat pa ako habang nakapikit pa din.

Grabe ang ganda ng panaginip ko, medyo SPG pa nga. Parang totoo talaga kasi parang nararamdaman ko pa din yung soft body ni Sexy kitten kagaya ng sa panaginip ko.

Teka anong oras na ba? Baka malate pala ako, gigisingin ko pa pala ang mga kapatid ko.

Pilit ko dinilat ang mata ko at nagulat ako nang mapansin ko na iba ang kulay ng pintura ng kwarto namin, ang itsura ng ceiling at maging malamig na temperatura ng kwarto.

Teka nasaan ba ako? Kinusot kusot ko pa yung mata ko saka pinilit na iginala ang tingin ko sa paligid.

Pero bago pa ako makapag isip ng maayos ay napansin ko na may maputing braso ang nakayakap sa akin.

Hala sino 'to? Mabilis kong nilingon ang may ari ng maputing braso na yun at agad na bumungad sa akin ang kanyang magandang mukha na may mahabang pilik mata, may matangos na ilong at may super kissable lips.

My Sexy Kitten! Kinikilig ako habang pinagmamasdan siya. Doon ko naalala na nandito nga pala kami sa condo nya at nagsasama na mula kagabi.

Tapos saglit na napadako ang mata ko sa katawan nya na kalahati lang ang natatakpan ng kumot.

Nanlaki ang mata ko nang makita ang malaki at sobrang puti na hinaharap nya!

Teka bakit siya nakahubad? Ganito ba siya talaga matulog? Naisip ko.

Hindi pa doon natapos ang pagtataka ko nang dumako din ang tingin ko sa sarili ko at lalong nanlaki ang mga mata ko nang tumambad sa akin na, kagaya ni Reese, ay half naked na din pala ako!

Agad ko hinila ang kumot para takpan ang dibdib ko! Kaya pala parang nilalamig ako paggising ko dahil pala yun sa halos wala na pala akong suot na damit.

Dahan dahan ko inalis ang braso ni Reese nakayakap sa akin. Ayokong magising siya at makita ako sa ganitong ayos. Syempre naman nahihiya pa din ako makita nya ako ng walang damit kahit pang itaas lang.

Nang maialis ko yung braso nya ay umupo ako ng dahan dahan din bago itinabing sa akin ang kumot na tila hiyang hiya kahit wala naman ibang nakakakita sa akin ng mga sandali na yun.

Pero bago pa ako tuluyang nakatayo ay isang tinig ang narinig ko.

"Hey where are you going?" boses ni Reese nagising na pala.

Bigla ako nataranta at hindi malaman ang gagawin.

Nahihiyang sumulyap ako sa kanya at bago ko pa namalayan ay paurong ng paurong na pala ako sa kama at ilang saglit pa ay isang lagabog ang maririnig sa apat ng sulok ng kwarto.

Blag!

Lintik nahulog ako sa kama!

Mabuti na lang at carpeted ang buong kwarto kaya kahit paano ay hindi ganun kasakit ang pagbagsak ko ng pahiga.

Narinig ko ang tawa ni Reese habang nakasilip sa akin dito sa ibaba ng kama.

"Kuting ok ka lang ba dyan? Ugali mo ba talaga yan mahulog sa kama tuwing magkatabi tayo?" sabi nya na halatang inaasar lang ako.

Nakatakip pa din ang kumot sa katawan ko na nahila ko at naisama sa pagbagsak ko.

Mabilis akong namula sa pagkapahiya. Bakit ba kasi nagiging clumsy ako kapag kasama siya?

"Tama ba naman tawanan pa ako. Nahulog na nga yung tao!" I glared at her habang pinipilit ko tumayo.

"Bakit naman kasi pilit mo pang tinatago yan, ilang beses ko na yan nakita at natikman." Naka smirk na sabi nya na lalong nakapagpablush sa akin.

Remember 2 Love me (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon