Chapter 22 - Underwater

58.8K 1.9K 1.5K
                                    


Madison P.O.V.

Halos lumipad na ko sa bilis palabas ng kwarto na yun. Pakiramdam ko kasi ay napakaliit nito para sa aming dalawa ni Reese na hindi na ako halos makahinga.

Kagaya ng inaasahan ko ay dinig na dinig ko na naman sa lakas ng tibok ang puso ko.

It's her fault kaya na naman ako nagkakaganito. Kahit kailan talaga ay aliw na aliw siya sa pag tease sa akin, habang ako naman itong hirap kung paano ko papakalmahin ang sarili ko.

Hanggang ngayon ay ramdam ko pa din ang pagiinit ng buong katawan ko lalong lalo na yung parte na yun sa pagitan ng hita ko.

I sighed. Sexually fraustrated na nga ako tapos ganito pa yung ginagawa nya sa akin at dahil sa fraustration na yun ay hindi ko tuloy mapigilang makaramdam ng inis sa kanya.

Parang pinaglalaruan nya kasi ang feelings ko sa kanya. Alam ko na hindi siya ganun kamanhid para malaman nya kung gaano kalakas ang epekto ng presensya nya sa akin at lalo na yung kapag ganun pa sya kalapit.

Reese always knew her way how to get me.....how do i say this?.....hmmmm arouse.

"Hey wait for me." I heard a voice behind me pero hindi ko ito pinansin dahil pa din sa inis ko.

Dahil nasa second floor lang naman kami ay hindi na ako nag abalang sumakay pa ng elevator. Pero bago pa makatapak ang paa ko sa unang baitang ng hagdanan ay naramdaman ko na ang mainit na palad na humawak sa braso ko.

"Didn't you hear me?" tanong nya sa tila inis na tono.

Ganun? Siya pa talaga yung may ganang magalit?

Napahinto ako sa pagkilos pero hindi ako tumingin sa kanya.

"Tsk!....Are you really ignoring me?" parang hindi pa sya makapaniwala na kaya ko syang hindi pansinin.

I just rolled my eyes sabay sigaw ng utak ko 'yes I'm ignoring you Reese Santillan!' pero hindi ko naman ito isinatinig.

May ilang segundo pa ang lumipas at napansin nya na siguro na wala akong balak na sagutin ang mga tanong nya kaya hinawakan nya na lang ako sa kamay saka hila hila ako pababa ng hagdanan.

Kahit inis ako sa kanya ay hindi ko pa din maiwasan na kiligin sa simpleng gesture nya na yun. Pigil ko lang ang sarili ko na pisilin yung kamay nya na nakahawak sa akin.

Natatanaw na naming yung pool nang marinig ko ulit syang magsalita.

"Alam ko naman bakit ka galit dyan...dahil sa nangyari sa room..right?" she was saying it like it was more of a statement rather than a question.

'Alam mo naman pala nagtatanong ka pa.' Sabi ulit ng utak ko.

Tapos nagulat ako sa sunod na sinabi nya...

"OK, i'm sorry Kuting..." habang biglang lumungkot ang maganda nyang mukha.

I froze, just staring at her gorgeous face. I didn't expect her to apologize for something na ginusto naman namin pareho.

'Don't fall for it Madison!' warning ng utak ko.

Pero may sariling isip ata ang puso at katawan ko eh. Tumango ako habang nakatitig lang sa mga mata nyang hindi nakakasawang titigan saka ako napangiti.

Parang phenomenon na atang maituturing kapag ganitong nagsosorry siya kaya hindi ko na natiis at parang bulang naglaho ang inis na nararamdaman ko lang kani kanina... Like a minute ago.

Mabilis na lumiwanag ang expression nya at lalo pa atang humigpit ang pagkakahawak nya sa kamay ko.

"Come on, show me that sexy bikini that you are wearing." Sabay kindat pa nya.

Remember 2 Love me (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon