Chapter 17 - Reminiscing

66.9K 1.9K 1.4K
                                    

Madison P.O.V.

Bakit naman kasi ang clumsy clumsy ko na lang palagi?!

Kasalanan ko kasi naglalakbay ang diwa ko kay Reese kanina kaya hindi ko agad napansin ang mabilis na pagbukas ng pinto at paglabas ni Sir Brandon. Nagkabanggaan kami at na out of balance tuloy ako pero mabuti na lang at maagap si Sir at nahawakan ako bago ako tuluyang mahulog sa sahig.

Naalala ko tuloy yung ganung scene noong unang beses na nagkita kami ni Reese dito sa office, ang pinagkaiba nga lang ay hindi siya ang nakasalo sa akin at higit sa lahat ay tila nagbabaga pa sa galit yung mata nya habang nakatingin sa akin.

Hindi tuloy ako mapakali kanina, feeling ko kasi may ginawa akong mali kahit alam ko na wala naman kasi aksidente lang naman yung nangyari.

Kaya nang hinila nya ako papasok dito sa elevator ay abot abot ang kaba ko. OMG ano kaya ang gagawin nya sa'kin?

Napasulyap ulit ako sa kanya at kagaya kanina ay napakaseryoso pa din ng mukha nito habang nakatingin lang sa elevator buttons. Tinignan ko kung saang floor ang pinindot nya at nakita ko yun last floor ng building.

Ano kayang iniisip nya?

"Reese saan ba tayo pupunta?" hindi ko na napigilang itanong, nakakabingi kasi ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

Dahan dahan syang luminga sa akin at nabasa ko ang galit sa mga mata nya. Nakadama ako ng takot kaya lalo tuloy ako napasiksik sa corner ng elevator.

"You'll see.." sagot nya habang nakangisi. Pero sa halip na makaramdam ako ng relief sa ngiti na yun ay tila lalo akong nakadama ng panlalamig.

Iniisip kaya nya kung paano nya ako ihuhulog mula sa tuktok ng building at papanoorin lang ako habang magkakalasog lasog ang katawan ko pagbagsak sa may kalsada?

Gross!

Ano ng gagawin ko? Pwede ba pa akong makatakas dito? Pero paano? Hahayaan ko na lang ba ang malamig kong kapalaran?

"Reese kasi..." gusto ko sana magexplain pero nakarating na pala kami sa pupuntahan namin.

Ding!

Narinig ko na ang hudyat ng pagbukas ng elevator.

Ok. This is it!

Bumukas na ang door at tinignan nya ako tila alam nya na iniisip ko ang tumakas kaya kahit labag sa loob ko ay wala na ako nagawa kung hindi lumabas na din dito kasabay nya.

Agad na sumalubong sa akin ang hampas ng hangin sa mukha ko, mag aalas dos pa lang ng hapon kaya medyo mainit pa ang sikat ng araw dito. Pero parang bale wala lang ito kay Reese at dumaretso ito malapit sa dulo ng roofdeck kung saan matatanaw mo yung mga sasakyan sa ibaba nito.

"Reese yung kanina..." umpisa ko, nakatingin lang sya sa ibaba na tila pinapanood ang pagbigat ng traffic sa kalsada.

"What about it?" matabang na tanong nito. Bumaling ang tingin nya sa akin at kahit medyo may kainitan ang lugar na yun ay bigla akong nakaramdam ng panlalamig. Paano naman kung makatingin sa ay yung tipong anytime ay maiisipan nyang babaliin ang leeg ko.

"G-Galit ka ba?" kinakabahang tanong ko.

"No---" lang ang sinagot nya dito, pero hindi convincing eh.

Bago nya ulit ito sinundan nang "No, hindi ako galit na during office hours ay nakikipagyakapan ka lang naman sa tapat ng pintuan ng office mo. Sana lang next time do it in private." Puno ng sarcasm ang pagkakasabi nya. Ang talim ng tingin nya sa akin bago ulit binaling ang tingin sa tinitignan nya kanina sa ibaba.

Remember 2 Love me (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon