Chapter 1

92 7 0
                                    

Chapter 1

Hypocrite


I carefully looked at my reflection in the mirror as I comb my hair. I have a long black wavy hair, my thin brows are naturally shaped, my eyes are upturned, my nose is small and pointed, and my lips are pinkish.

It's true. My features resembled a lot of my father's. Hindi ko naman gano'ng naalala ang itsura niya no'ng bata ako kaya sa mga litrato ko na lang kinukumpra ang mukha naming dalawa.

Ang pinagkaiba lang namin ay ang hugis ng kilay at kulay ng balat. Karamihan sa pamilya namin ay puro moreno at morena. Maliban lang sa mga kamag-anak namin na may lahing banyaga. Though I don't have a foreign blood, baka nakuha ko lang talaga 'to sa Mama ko.

Suminghap ako dahil sa naisip. Nilapag ko na ang hair brush ko at umalis sa vanity desk. I opened my cabinet and reached for the clothes I planned to wear today.

"Tisay, nandito na 'yong mga kaibigan mo!" Narinig ko ang pagkatok ni Iva sa pinto bago pa ako makapasok sa banyo para magbihis.

Suminghap ulit ako. Yup. I'll meet them again today. Ayaw ko sana. Pero kasalan ko naman, eh. Sinabi ko kasi kahapon na ngayon na lang kami makita ulit at makapag-usap. 'Tsaka ko lang na-realize na hindi ko dapat sinabi 'yon no'ng nasa kuwarto na ako. Wala na akong choice kung hindi ang hanapin na lang sila.

It's my first day here at Belleza, Esterancia. I had a tight sleep last night and I enjoyed the Alonto's company. They treated me extra special.

Last night, we had a dinner together and our topic is all about Manila. It was a casual conversation at sinasagot ko naman ng maayos mga tanong nila.

"I heard my sister's still on her business trip this week?" Kaswal na sabi ni auntie Bettina sa hapag.

Tumango naman ako.

"Very hands on po kasi talaga sila ni Uncle sa work. Hindi nila hinahayaang gumalaw ang company nila nang hindi sila actual na nando'n sa business..." I explained a bit.

Napatango naman si Auntie.

"Their business progressed a lot in just a span of year... parehong magaling mamahala ng kompanya ang mag-asawang 'yan, ano..." She nodded her head again.

Ngumiti ako ng kaunti bago nagpatuloy ulit sa pagkain.

"Kailan daw sila bibisita rito?" Auntie asked again. Uminom muna ako ng tubig.

"Uhm, hindi ko lang po alam..." S
Sagot ko. Her lips pouted a bit.

"Ilang taon na siyang hindi nakakabisita rito. Na-miss na siya ni Mama..." aniya.

Oh?

"Anak," my heart skipped a beat when she said that. Napainom tuloy ulit ako ng tubig dahil parang bumara ang pagkain sa lalamunan ko.

"Bibisita tayo bukas kay Lola mo, ha..." may lambing niyang sabi, ramdam ko ang excitement sa boses niya.

I hesitatedly nodded my head at her.

"S-sige po..."

Kaya, pagkatapos kong makipag-'catch up' sa mga 'kaibigan' ko dito ay tutulak agad kami nina Auntie papunta sa Cortesia, kung sa'n namamalagi ang Mama niya.

I watched myself in the mirror for the last time bago ako nagdesisyon na lumabas na ng kuwarto. I quietly walked downstairs. Nasulyapan ko naman ang katulong na nagwawalis ng sahig sa baba.

"Magandang hapon po," bati ko sa matanda pagkababa

Mabilis niya akong nilingon at nanlaki ang mga mata niya. Bahagya namang kumunot ang noo ko sa ginawa niya. Did I do something wrong?

Tripping Odysseus (G-High Series #1)Where stories live. Discover now