Chapter 9

46 3 0
                                    

Chapter 9

Sorry


Nagkukumpulan sa 'di kalayuan sa puwesto ko ang karamihan sa mga kaklase ko. Kunwari ay nagbubulungan pero rinig na rinig ko naman ang lahat ng sinasabi nila! They were all giggling while glancing at my direction.

I didn't do anything to stop them or what. Mukha naman kasing pareho kaming dalawa na walang interest sa mga komento nila. I'll let them do it as long as they're pleased at it. Partida, mas dadagdag pa ang kasikatan ko dahil na-link ako sa golden boy nila.

I just realized, I can use Zeus to make me more popular. He's the most famous here and if I stick to him, surely, mas sisikat ako.

Hindi ba maganda and ideyang naisip ko? And to be fair, hindi na ako galit sa kan'ya...

"Grabe. Ang sweet naman ni Zeus!"

"And tamis!"

"Gusto ko ding makaranas nang gan'yan!"

"Swerte naman ni Tisay..."

I secretly rolled my eyes at hearing some comments about it. I just pretended that I didn't hear anything. Kunwari abalang-abala sa pagbabasa na wala nang oras para pansinin ang ginagawa ng lahat, pero ang totoo ay dinadamdam ko ang mga sinasabi nila tungkol sa akin!

"Subukan ko rin kayang kontrahin si Zeus para bigyan niya rin ako?"

"Shock. Mag-isip nga kayo nang ship name nila!"

Eksaheradang nagsinghapan ang lahat sa kung ano. Mas lalo pa silang nag-ingay at naging bayolente na naramdaman kong halos gusto na nila akong lapitan at hampasin dahil sa sobrang tuwa nila.

"Hi, Zeus!"

Dumaan ang kaunting inis sa mga mata ko nang marinig kung pa'no nila tawagin ang lalaki. Napansin ko naman ang presenya niya 'di kalayuan lang sa puwesto ko.

Wala pa sina Maraia sa Cindy dahil medyo maaga pa naman. Sinadya lang yatang magpa-aga ng mga kaklase kong 'to dahil baka natunugan nila ang siguro'y gagawin ni Zeus ngayon?

Nanatili akong nakatingin sa hawak kong libro habang napapansin ang unti-unting paglalakad niya palapit sa puwesto ko. Ano na naman bang gagawin ng isang 'to?

"Uh..." he stopped right in front of my chair.

Hindi ako nag-angat ng tingin pero tinatantiya ko ang kilos niya. Gumalaw naman ang kamay niya papunta sa batok niya. He didn't say anything then. Nanatili lang siyang nakatayo sa harapan ko.

I bet he's out of words to say. In my mind, I grimaced. Why humiliate a person and when you regret it, why couldn't utter any word to express? Nonesense.

Ganito ba talaga ang ugali ng isang 'to? Gaspang, ha. Mukhang hindi bagay maging 'golden boy'. Bad example. 'Tsaka too young - too childish!

Ilang segundo akong naghintay pero tahimik pa rin siya sa kinatatayuan niya. Ilang minuto pa ay tuluyan na siyang magmukhang estatwa diyan.

Kaya sa huli nag-angat na lang ako ng tingin. Gano'n parin ang mga kaklase namin, nag-iingay. Pero no'ng nakita nila ang ginawa ko ay naghiyawan sila. I guess they're expecting something good to happen between us right now, huh?

"Saktong dito ka naman..." I paused and glanced at his neat attire. "Can you remove these chocolates from my armchair? Kailangan ko kasi ng mapapatungan dahil nangangawit na ang braso ko..." I said a bit cold.

His lips slightly parted when he heard it. Tumikhim siya at naglipat ng timbang.

"A-ano... para sa 'yo 'yan..." sabi niya nang hindi man lang makatingin sa 'kin ng diretso.

Tripping Odysseus (G-High Series #1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt