Chapter 24

22 2 0
                                    

Chapter 24

Perfect


It was a peaceful night for me after so much of happenings. Nakahiga lang ako sa kama habang magdamag na kausap si Reel. I spent my weekends studying hard and prepared well for the examination.

Wala na rin akong oras pa para i-check ang mga updates sa facebook dahil mas inabala ko ang sarili sa pag-aaral. Sa linggo ay maaga akong natulog at maaga ring nagising kinaumagahan.

"Wow! Sana gan'yan din ako sa exam day, 'no!" Puna ni ate Ever pagbaba ko galing sa kuwarto.

Nakabihis na ako at maya-maya ay aalis na. Samantala, naka-pantulog pa rin siya at mukhang kagigising lang. Tamad siyang naka-upo sa sofa habang hinahalo 'yong kape sa tasa na hawak niya.

"Ang aga mo naman, Tisay..." Iva smiled at me.

"You're fresher than usual, huh." Puna pa ulit ni ate.

"Didn't know issues can make you look fresh." Iva also commented. Bahagya akong tumawa sa sinabi niya.

"Huh?" Sabi ni ate Ever at tumigil pa sa paghahalo ng kape niya.

"Huh?" Iva mimicked her sister's reaction. "You didn't know? Nagkagulo na't lahat wala ka pa ring alam, Evergreen." Simple akong umismid sa sinabi niya. I know what she meant by that.

Nagkagulo? Gano'n ba kagulo ang issue'ng ginawa ni Dominik sa internet? Tingin ko hindi naman gano'n kalaki ang problema ko...

"May issue ka, Kurtis?" Seryoso akong nilingon ni ate Ever. Wala nang bakas ng biro ang mukha niya ngayon. Bumuntong hininga na lamang ako.

"It's not a big deal, ate..." tugon ko.

"Yes, it is!" Natutuwang sambit ni Iva habang kay ate pa rin ang atensyon niya. "You're friend's exaggerated! Hindi ako aware na marunong pa lang mag-seryoso ng babae si  Kuya Dominik!" She laughed loudly.

In my mind, I grimaced. Mag-seryoso? Ha! If you only knew how much of a fool he made me look, Iva! Nagmukha akong katawa-tawa sa sa panlolokong ginawa niya.

Sino ba namang matinong lalaki ang ikakandado ka sa loob ng classroom at sasabihing hindi siya ang may gawa no'n? Kunwari'y tutulong pero may kapalit - 'yon pala ay para lang mapalapit siya sa 'kin!

Ate Evergreen's face darkened. Mukhang hindi niya yata nagustuhan ang sinabi ng kapatid niya. I bet she's mad at him too.

"Alam mo bang bina-bash na nang mga admirers niyan si Tisay? I just know our cousin has nothing to do with him anymore! Kung totoo man 'yong comments ng mga tao sa relation nilang dalawa, I know it wasn't Tisay's fault! I just know, he just likes to be the main character!" Umirap si Iva sa kawalan. Nilingon niya ako at kumindat. "I like Zeus more. Mas bagay naman kayong dalawa, Tisay." Ngumiti siya.

"Kayo na ba?"

I almost stiffened when she said that. Pati si ate Ever ay nilingon din ako. Uminom muna ako ng tubig bago siya sinagot.

"Hindi, ah!"

"Hm, denial..." she sipped on her glass of milk while giving me a malicious look. I looked away. Pinigilan ko ang pang-ngisi ng labi ko.

I put all of the unnecessary thoughts aside before I went to school. Medyo umaliwalas naman ang tingin sa akin ng mga school mates ko kaya mas lalong gumanda ang mood ko sa araw na 'yon.

Pagpasok ko sa room, halos kalahati na nang mga kaklase ko ang nando'n. Lahat sila ay busy sa pagsasaulo ng formulas galing sa pointers namin sa Math, iyon kasi ang unang exam namin sa araw na 'to. Ilan sa kanila ay nag-abala pa para lang batiin ako.

Tripping Odysseus (G-High Series #1)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz