Chapter 3

73 5 2
                                    

Chapter 3

Admirers


My days went by haste. Lumipas ang dalawang araw hanggang sa naging isang linggo. Ang masasabi ko lang, nag-enjoy ako. Everyone treated me so well and I loved it!

Paunti-unti ay nakikilala ko ang mga taong nakapaligid sa akin. From my Auntie Bettina, Iva, Evergreen and to the people who approaches me. I get to know them slowly. Hindi naman sa gusto ko. Hindi lang talaga maiiwasan dahil nangyayari talaga 'yon dahil lagi kaming nagkikita at magkasama.

Plus, I like observing people. Studying their details is fun.

Lumalabas din ako kasama sina Chesley. Pero hindi naman araw-araw. Paminsan-minsan ay ni-r-reject ko sila 'pag wala ako sa mood na makita ang pagmumukha nila.

'Tsaka I'm conscious for my skin lalo na't sobrang init ng summer nila dito. Hindi ko man kailangan ng sunblock dahil mabilis naman akong pumuti ay gumagamit pa din ako.

"Tisay!" Ngumiti sa akin si Jennice at masayang kumaway. Pinatong niya naman sa sofa ang dala niyang bag.

"Hi!" I smiled at her too.

Mabuti na lang, hindi ko na kailangang pumunta sa mainit at masangsang na palengke dito para maghanap ng sunblock. Last week, pinakilala sa akin ni Aling Noleng si Jennice. Apo niya raw. Nagbebenta raw siya nang mga beauty products. And surprisingly, 'yong brand na ginagamit ko 'yong binebenta niya!

Paminsan-minsan siyang bumibisita sa akin. At isa na ang araw na 'to. Minsan kasi pinapakita niya sa akin 'yong mga bagong dating niyang products. Minsan naman ay binibisita niya si Aling Noleng. Pero ngayon mukhang business ang pinunta niya.

Jennice is a nice girl. Nag-aaral din siya sa G-High at medyo marami ang nakakakilala sa kan'ya dahil sa small business niya.

"May bago na naman akong stock, Tisay. Gusto ko lang sanang ipakita sa 'yo. Baka may magustuhan ka eh..." medyo nahihiya niyang sabi. Namumula ang pisngi niya.

"Sige." I eagerly said.

Mabilis niyang binuksan 'yong bag na dala niya at nilabas ang mga sinabing produkto doon. Nagtagal kami ng halos isang oras ng pag-uusap sa sala. We just talked about some beauty stuffs while she kept praising me.

Hindi niya lang sinasabi pero alam kong naiinggit siya sa 'kin. Jennice looked a lot of those ordinary girls, actually. Kahit man maputi ang balat niya, laging may palamuti sa mukha at magagara ang suot, ordinaryo pa rin siyang tingnan.

I feel bad for her though. Hindi kasi siya pinangak na natural ang pagiging maganda. Hindi pa sila gano'n kayaman at kaunti lang ang may gusto sa kan'ya.

"Salamat sa pagbili, Tisay. Sa wakas at may maganda na rin akong suki!" She sighed as if really in relief.

"Walang anuman, Jenny. Magsasabi lang ako kay Nanay Noleng kung ubos na 'yong sunblock ko..." I smiled at her.

Her cheeks blushed a bit.

"Walang problema. Mag-s-stock ako no'n, exclusively para sa 'yo!"

"Talaga? Thank you, Jenny!"

"Syempre, ikaw pa. Malakas ka sa 'kin, eh!" Kumislap ng bahagya ang mga mata niya.

She paused for a while. Akala ko magpapaalam na siya pero para namang gusto niya pang kausapin ako. She always looked interested at me. And, oh, she's not the only person who acts like that in front of me. I guess she has officially become my die hard fan!

Ilang araw pa lang kaming magkakilala pero ganito na siya umakto sa harap ko.

"K-kaibigan mo ba sina... Chesley?" Halos bulong no'ng banggitin niya ang huli.

Tripping Odysseus (G-High Series #1)Where stories live. Discover now