Chapter 15

32 3 2
                                    

Chapter 15

Ready


"Ma'am, sorry po kung natagalan. Puno po kasi ng tao sa labas. 'Di po ako makadaan..." pagrarason ko na langsa guro pagbalik ko.

"Thank you..." tanging sagot niya. Abala kasi siya sa pag-p-print.

I placed the box near the printer. Magalang akong nagpaalam sa kan'ya bago ako pumunta kina Zeus. Naabutan ko siyang kinakausap ng isang babae.

Matangkad, maputi, at maikli ang buhok niya. Nakasuot ito ng fitted na jeans at checkered na sleeve. Nakababa nga lang 'yon sa braso niya kay kita ko ang puting cami top na suot niya.

May kasama rin siyang babae na nakatayo sa gilid niya. Mas mababa sa kan'ya, medyo morena, at nakabun ang may highlights na buhok. Naka-insert ang white tee niya sa suot na boyfriend jeans.

"C'mon, Zeus-" I heard the tall girl begging him for something.

"Tisay!" Mabilis na napunta sa akin ang atensyon nilang lahat no'ng nakita at tawagin ako ni Zeus.

He happily went to me with a wide smile on his face. Nakapamulsa siyang naglakad papunta sa akin. I gave him a smile too. Pinagmasdan ko na lang siya dahil wala akong maisip na sasabihin.

I head is still fuzzy at what happened to me just minutes ago. Para akong malalagutan ng hininga sa loob ng room dahil sa sobrang kaba. 'Tsaka medyo nagtatampo rin ako sa kanila dahil sa nangyari.

"Hm?" Iyon lang talaga ang nasabi ko pagkalapit niya sa akin.

His eyes remained on my face for a moment. Mas lumaki pa lalo ang ngiti niya dahil sa kung ano.

"Ang tagal mo. Kanina pa kita hinihintay. Sa'n ka ba galing?" He smoothly held my arm as we walk toward his friends.

The unfamiliar girls stiffened and their eyes widened looking at Zeus and me. Naiilang ko naman silang nginitian. Their reaction didn't change though. Para silang nakakita ng magic sa harap nila.

"Bagong kaibigan, Vi." Zeus stated pagkalapit namin sa kanila.

The short girl turned to him still with her wide eyes. Parang may gusto siyang sabihin pero pinipigilan yata ang sarili. Nagtaka naman ako sa naging mukha nilang dalawa hindi ko lang pinahalata 'yon.

"Or so... we thought?" The tall girl grinned as she glanced on my arms. Kung saan nakahawak si Zeus.

"Akala ko, Zeus, you'll stay single until you graduate?" The other girl said maliciously. Awtomatikong kumunot ang noo ko.

Wala sa sarili ko namang nilingon ang mga kaibigan ni Zeus. Lahat sila ay nanlaki ang mga mata. Para bang hindi nila inaasahan 'yong sinabi ng babae.

"Hm. I guess the wind had changed its direction..." dagdag niya pa. She looked at me and grinned too. Halos maubo ako sa sinabi niya!

Binalingan muna ako ni Zeus bago siya tumawa. I just smiled at them awkwardly.

"Walang gano'n, uy." I heard Zeus laughed beside me. Lumuwag din ang pagkakahawak niya sa akin.

"Naging kaibigan kami dahil pareho kami ng gan'to," aniya at tinuro ang sentido. He's probably pertaining the brain. I... guess?

What? That's unexpected.

"'Di naman kayo magkasing-kulay, eh." Puna ni Vance.

"Sentido 'yong tinutukoy niya." Blaise chuckled.

"It still doesn't make sense, dude..." A spoke too. Napailing siya sa kaibigan niya.

"Ah! So you're that famed transferee everyone's been talking about!" Vi exclaimed as if something snapped her.

Tripping Odysseus (G-High Series #1)Where stories live. Discover now