Chapter 20

17 1 0
                                    

Chapter 20

Reputation


I know it might sound hypocrite, but I was caught by surprise the moment he called out Cara's candidate number. I frozed for a second to process everything in my head. I smiled in triumph. Carmine jumped in surprise and hugged me happily.

"Oh my gosh. I knew it, Kurtis! Congratulations!" She uttered as she gave me a tight hug.

I grinned as the Galileans started to get wild again. Nagtatalunan silang lahat at nagsisigawan dahil siguro sa tuwa. And just a moment later, they began chanting my name again.

"Kurtis! Kurtis! Kurtis!" Pagsali ni Cara sa kanila habang malapad ang ngiti akong tinitingnan.

Naabutan ko ang pag-akyat ni Lola Con kasama iyong mga taong may malaking naibigay na sponsors sa event na ito. My grandmother is wearing her usual evil smile. Hawak niya ang korona at nasa isang sponsor naman iyong sash na mayro'ng nakalagay na title nang competition na ito.

Miss Grace 2021.

"Congratulations, Kurtis!" Lumapit sa akin ni Lola Constancia nang malapad ang ngiti.

The unfamiliar woman went in front of me and uttered her congratulatory message. Siya iyong may hawak nang sash. Sinuot niya sa akin 'yon pagkatapos na magsalita. Sunod niya naman ay si Lola Con at sinuot na rin sa ulo ko ang kumikinang na korona dahil sa repleksyon nang mga ilaw. I just know it looked better on me.

Lola Con is looking at me with a proud look in her face. Nagbigay din siya nang maikling mensahe sa akin pero hindi ko nakuha ang lahat dahil patuloy pa rin sa hiyawan ang mga Galileans sa baba. They were consistently waving their banners for me in the air.

"Dr. Ebrahim, Mrs. Dizon... let's take a picture na po..." narinig kong sabi ng mabait na faculty staff sa dalawang tao na nasa harap ko.

So they went beside me and positioned themselves for the picture-taking. Nagbibilang naman ang photographer sa harap habang nakatuon na ang pansin sa camera. I wore the sweetest smile in lips the moment the camera clicked.

Halos tatlumpung minuto akong abala sa stage dahil sa dami nang nag-p-p-picture sa akin. Pati mga teachers, facilitators at judges ay nanghingi rin nang litrato kasama ako.

Kasama ko na ngayon si Sir Gelo pabalik nang backstage. Hawak niya ang lahat nang awards at mga regalo na natanggap ko naman kanina lang. Medyo malaki at mabigat iyon kaya kita ko sa mukha niya ang hirap lalo na sa malalaking bouquets.

It's almost midnight kaya naman mag-a-ayos na kami para umuwi. Nakaabang na sa table ang mga pinsan ko na galing lang din sa front stage. Nauna lang sila sa amin para magligpit. Nang makita nila kami papasok ay agad nila kaming sinalubong.

"Ang dami mong hakot, Tisay!" Kumikinang ang mata ni Flame habang pinamamasdan ang mga nang hawak ni Sir Gelo.

Tumungo naman sina ate Ever at ate Fright kay Sir at kinuha ang lahat nang hawak niya para ilapag muna sa table. I glanced at the awards and gifts on my table. Halos hindi na kasya kaya pinatong-patong na lang 'yong iba. May kaliitan din kasi 'yong table, eh.

Narinig ko ang pagtikhim ni Sir sa tabi ko kaya nilingon ko ulit siya. I smiled at him sweetly. A broad smile plastered on his lips as joy covered his face.

"I want to formally say my congratulatory message to you, Kurtis..." he held my arms. "I know I'm not completely the reason of your excellence but I'm thankful to you for letting me train and help you even in just a short time... proud ako sa 'yo, iha! Nasungkit mo man ang korona o hindi..."

He looked at me proudly. Sa klase nang tingin niya ay nararamdaman kong totoo ang lahat nang sinabi niya. I was just so happy too that when I caught Zeus entering the backstage again, I didn't hesitate in running toward him just to give a tight hug.

Tripping Odysseus (G-High Series #1)Where stories live. Discover now