Chapter 25

23 0 0
                                    

Chapter 25

Halloween


“Ang ganda, Kurtis!” napasinghap sa tuwa ang mga kasama ko pagkatapos nilang makita ang aftermath ng plano ko sa booth namin.

I stood proudly while staring at my whole plan that is perfectly executed in front of us. Pumalakpak ang mga nasa ibang section at pinuri ang success ng plano. Pasado alas siete na pero narito pa rin kami sa school, tinatapos ang booth dahil bukas na magsisimula ang event. Halos tapos na rin ang lahat nang grade levels sa pagtatayo ng mga booths nila. Hanggang ngayon ay puno parin ng mga estudyante ang field ng G-High.

The lights from our booth illuminated well and it stood out more dahil sa mga DIY na decorations namin sa mga ilaw. We have two big pumpkins under our counter. May ilaw rin iyon sa loob at pangit ang ginawang mukha nito. Sabi ko kanina kina Vance ‘yong sakto lang at ‘di masyadong impakto tingnan—pero ewan, may sarili yata silang mundo.

Mayro’n din kaming nilagay na skeletons at iba pang spooky na props para sa photo booth namin. At bukas namin i-d-display ‘yong mga homemade Halloween inspired na candies na ginawa ng section B.

I announced everyone to a wrap up since it’s almost 8 PM. Halos nagsi-alisan naman ang ibang tumulong kanina pagka-anunsiyo ko palang. Habang ang iba ay tumulong sa pag-aayos nang kaunting kalat.

“Tulong ako.” Biglang sulpot ni Zeus sa harap ko habang hinahakot ko ‘yong tools na ginamit namin.

“Kapag nanalo ‘yong booth natin, ako ‘yong bahala sa blow out natin!” narinig kong pahayag ng babae na ka-batch namin.

“Weh, Danieca? ‘Di mo pa nga nabayaran utang mo sa’kin, eh.” Nagtawanan sila.

“Magkano ba ‘yon?” Narinig kong tumikhim ang babae.

“500!”

“Sus, ‘wag na! Pang-blow out na lang natin ‘yon!”

“Gago! Pambayad ko ‘yon sa scouting ngayong December!”

“Hingi ka sa Mama mo.”

“Okay na.” Ani Zeus pagkapatong niya nang cartoon ng tools sa mesa. Pinagpag niya ang kamay niya at sinuri muna sandali ang paligid.

“Wala naman sigurong mansasabotahe ng booth natin mamaya, ‘no?” I asked him, a bit worried.

“Lagot sila sa’kin ‘pag nagkataon.” Pabiro niyang sagot.

I chuckled.

“Tara na.” I reached for my bag on the sofa—apparently, waiting area raw iyon ng costumers sakaling hahaba ang linya namin bukas.

Lumapit ako sa mga natirang estudyante sa booth namin. Nag-uusap pa sila.

“Aalis na kami, guys. Thank you for your time.” Ngumiti ako sa kanila.

“Thank you rin, Miss Grace! Salamat sa pag-assist sa amin buong naghapon dito.” I smiled at the boy.

“You’re always welcome. Bye! Let’s meet here again tomorrow.” Kumaway ako sa kanila hanggang unti-unti na kaming naglalakad palayo roon.

“PDC kaya tayo ngayon?” narinig kong suhestiyon ni Blaise.

“Yaman mo, boss! Ubos na nga allowance ko , eh!” Vance cried.

“Seryoso. Na-miss ko ‘yong macaroon ni Tita Mariam! Nam!”

Napansin kong natigilan ang mga kasama ko kaya napatigil din ako sa paglalakad. Lahat sila ay seryosong nakatingin kay Blaise. Nagkatinginan naman kaming dalawa nito dahil pareho kaming walang ideya sa nangyayari sa tatlo.

Tripping Odysseus (G-High Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora