Chapter 11

45 3 0
                                    

Chapter 11

Promise


"What do you think..." lumapit sa 'kin si Loren at may inabot na papel. She's arching her brow at me.

Ngumiti muna ako sa kan'ya bago binalingan 'yong one-whole paper sa kamay niya. Activity namin iyon as group at siya ang na-assign na sagutin 'yon. Tinaas ko ang kamay ko para kunin na sa kamay niya 'yong paper. Parang ayaw niya pang ibigay sa 'kin no'ng una.

When I finally got the paper on her hand, I immediately read her answers. Malinis at maganda ang penmanship niya. But that's not the case. I furrowed after checking the answers. Nag-angat pa ako ng tingin sa kan'ya dahil nakatayo siya at naka-upo lang ako.

We're having a group activity today and I unexpectedly got grouped with her. I was the chosen leader habang siya ang assistant ko. Wala namang tension pero hindi naman takas sa tingin ko ang paminsang matalim na paninitig siya sa akin.

"Saan mo nakuha 'to?" I questioned her calmly and shifted my weight.

Kumunot naman ang noo niya dahil sa pauna kong tanong. Alam kong nagpipigil lang siyang ikutin ang mga mata sa 'kin. She looked at me arrogantly.

"My own answers." She said as if bragging, crossing her arms in front of me.

I looked at her softly. But I know the disappointment in my eyes is still obvious. Kumunot ang noo ni Loren at sigurado na akong gets na niya ang pinapahiwatig ng reaksiyon ko.

"Mali 'yong mga sagot Loren, eh..." I looked at her apologetically.

Mabilis niya akong tiningnan ng masama pagkasabi ko no'n. I gave her an apologetic smile again.

"Uulitin ko na lang. Tumulong ka na lang muna do'n sa group mates natin..." positibo ang boses ko at nanatiling nakangiti.

I copied the questions on her paper and wrote it to a new neat sheet before I crumpled it. Tumayo ako at tinapon iyon sa basurahan na mas malapit sa puwesto namin. Pagkaharap sa upuan ko ay nando'n pa rin si Loren. Nakatayo. Humahalukipkip habang simangot akong minamasdan.

"Just because you're smarter than me doesn't mean you can just ignore my help and threw it away like a trash." May pait niyang sambit habang papalapit ako sa upuan ko.

I stopped at the verge of sitting down when she spoke. Binalingan ko siya ng kunot na rin ang noo. What does she mean? Tinapon ko lang naman 'yon kasi gumawa na ako ng bago?

"Please don't make it a big deal, Loren." I said to her. "Pasalamat ka nga ch-in-eck ko 'yong sagot mo. Kung hindi, zero tayong lahat." Dagdag ko sa mas mahinahon na boses para mas maintindihan niya.

Suminghap kaagad siya at inayos ang paghalukipkip. Umawang ng kaunti ang labi niya at mas tumaas pa ang naka-arko nang kilay. She looked at me like a mean girl.

Wala naman akong reaksiyon habang gano'n ang tingin niya sa akin. I kept my posture calm and soft. Hindi ko na pinantayan ang pagtitig niya sa akin dahil sure na akong wala na siyang pasensya ngayon.

"Sinasabi mong bobo ako?" Suplada niyang akong pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.

Mabilis namang napabaling ang atensyon ng mga kaklase sa amin dahil sa biglang pagtaas ng boses ni Loren. She didn't look bothered though, nanatili ang sama ng tingin niya sa akin ngayon.

"N-no-" agap ko ko sana.

"Bakit? Ano nangyari..." lumapit ang group mates namin na nagtataka. Papalit-palit ang tingin nila sa aming dalawa.

Naiinis na umiwas ng tingin si Loren at may binubulong-bulong pa sa hangin. She rolled her eyes.

"Hindi naman gano'n 'yon, Loren. Grupo tayo at parehong score 'yong makukuha nating lahat. Kapag zero ka, gano'n din kami. At kapag nangyari 'yon, sisisihin nila ako kasi akong 'yong leader. I'm the one responsible of-" I explained slowly and carefully but she immediately cut me off.

Tripping Odysseus (G-High Series #1)Where stories live. Discover now