Chapter 16

27 4 2
                                    

Chapter 16

Nuisance


"Cheers!"

We raised our cups and toasted it one by one. Dahil pareho kaming enthusiastic, napalakas ang pagtama ng mga baso. Natapon ang laman nito at nalukot ang ibang paper cup.

"Uy, sayang 'yong patak ng tanduay! Bastos talaga kayo!" Usal ni Vance kahit sa kan'ya ang may pinakamaraming natapon.

Well, I don't drink. Juice lang 'yong iniinom ko ngayon kahit na kanina pa nila ako pinipilit na uminom ng gaya sa kanila. I wasn't moved though. I care about my liver kahit pa minsanan lang ginagawa ang gano'ng bagay.

"Okay..." Vi spoke after she finished sipping on her drink. "Let's play a game..."

"Truth or dare!" Sabay na sigaw ng mga kasama ko.

Ngumiwi kaagad si Vi sa suhestiyon nila. Tahimik ko naman silang pinagmamasdan habang pinapakiramdaman kung sino sa kanila 'yong wala na sa sarili. Isang oras kami rito pero wala pa naman akong napapansin...

Nagkatinginan kami ni Eula. Katabi niya si Loren na nangingiti habang umiinom. Parehong kami ni Eula na juice ang laman sa baso. She smiled at me and I don't know what's that for.

We shared a stare with each other for a while. Hm, I think na-bore na rin siya? Pareho kaya kaming 'di gano'n ka-relate sa kasama namin? O baka inaantok na siya?

"Naiihi ka ba?" I was weirded out at her question. Mukha ba 'kong naiihi?

"Uhm... why do you ask?" I said.

"Mag-b-banyo sana ako. Baka gusto mong sumabay?" Sabi niya.

Nanatili naman ang bahagya kong nakakunot na noo sa kan'ya. Bakit ako ang tinatanong niya at hindi si Loren? Mukha ba talaga akong naiihi?

"Uh... medyo?" Hindi pa ako sure sa sagot ko. "Samahan na lang kita." I smiled.

"Okay..." matamis siyang ngumiti sa akin. Nauna siyang tumayo kaya sumunod naman ako.

"Sa'n kayo pupunta?" Narinig kong tanong ni Zeus sa gitna ng pagtatalo ng mga kasama namin.

"Truth or Dare is so cliché!" Si Vi kina Vance at Blaise.

"Magbabanyo lang kami."

"Washroom lang..."

Sabay kami ni Eula na sumagot may Zeus. Tumango naman siya at wala nang sinabi kaya nagpatuloy na kami ni Eula sa gagawin. Sabay kaming tumungon sa counter para magtanong.

"Uhm... excuse me..." tawag ni Eula sa babaeng nakabantay do'n.

"Yes, ma'am?" Sagot ng babae na may ngiti.

"Sa'n po 'yong banyo rito?" She asked her.

"Diyan lang po sa left side, Ma'am..." sagot niya at tinuro kung saang direksisyon ba 'yong tinutukoy niya.

"Thank you..." sabi ni Eula habang palinga-linga sa paligid.

"Welcome po."

"Dito." Sabi ko sa kan'ya dahil sa maling direction naman siya nakatuon.

"O-oh." I heard her laugh awkwardly.

Nauna akong tumungo sa daang patungo sa washroom habang si Eula ay nasa likuran ko lang. Nauna akong pumasok doon at dumiretso sa faucet. Habang si Eula naman ay ilang segundo pa bago tuluyang pumasok.

Dumiretso siya sa banyo. Habang ako naman ay nag-r-retouch na. Naglalagay na lang ako ng liptint sa labi ko no'ng lumabas na siya. Tumungo siya sa isa pang faucet at naghugas ng kamay do'n.

Tripping Odysseus (G-High Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon