Chapter 14

27 3 1
                                    

Chapter 14

Save


“Umuwi na tayo.” Malamig sa sabi ni Loren kay Zeus pagkalapit namin sa kan’ya.

Tumigil lang si Zeus sa harap niya. Hindi na siya umupo. Gano’n din ang ginawa ko. Naka-upo naman si Loren sa bench at diretso ang tingin sa kung saan.

“Uuwi ka na?” Tanong sa kan’ya ni Zeus.

Iritado na binalingan ni Loren ang lalaki.

“Tayo. ‘Di ba? Sabi mo kanina.” She furrowed.

“Ha? Kailan ko sinabi?” Nagtatakang sagot sa kan’ya ni Zeus. “’Tsaka ‘di pa tapos ‘yong laro nina A… ba’t uuwi ka agad?” He leaned on the bench’s wall and watched her looking at something in front.

Loren simply rolled her eyes.

“Gutom na ‘ko…”

“O…kay. Hintayin mo na lang si A. Siya raw maghahatid sa ‘yo.” Humarap sa akin si Zeus habang nakasandal pa rin siya sa wall. He smiled at me a bit.

“H-Huh.” Loren looked up to him. “Bakit ikaw? Ayaw mo ‘kong ihatid?” Nangungusap ang mga mata niya.

Bumalik naman agad ang atensyon ni Zeus sa kan’ya. I saw his brow furrowed at her. Kahit ako nagtaka sa biglang pagbago nang tono ng boses ni Loren.

“Si A kasi nagsabi na siya ‘yong maghahatid sa ‘yo, Ren...” he replied to her.

“Pero wala pa rin ‘yong kaibigan mo.  Gutom na ‘ko Zeus…” ungot niya.

“Hindi ako puwede ngayon kasi baka hanapin ako ni Kuya Anton, eh.” Umayos na ng tayo si Zeus at umaambang aalis na. Tumikhim ako at naghanda na rin sa pag-alis namin.

Sumilip siya sa relo niya. “Alas nueve na naman kaya baka maya-maya nandito na sila.” He said with a sense of finality.

Napansin ko ang medyo pagkataranta sa mukha ni Loren no’ng unti-unti nang gumalaw si Zeus paalis sa bench.

“U-Uhm…” she said with a bit panic in her voice.

‘Di kalayuan sa amin ay napansin ko ang tatlong kaibigan ni Zeus. May mapaglarong ngiti sa labi nila habang nakakatitig sa amin. Nag-uusap sila pero hindi naman kami nilulubayan ng titig.

Blaise smirked.

“Ginagawa niyo…” he said cooly pagkalapit sa amin.

“Gors.” Nakangiting sabi ni Vance. May nakasampay na bimpo sa leeg niya at mukhang kakatapos niya lang magpunas.

“Niyaya kami ni kuya Anton na sa office niyo mag-lunch.” Diretsong sabi ni A habang naglalakad palapit kay Loren. He gazed at her for a while bago tuluyang tiningnan ang kaibigang lalaki.

“Eh, si Loren kasi. Uuwi raw siya.” Sabi ni Zeus kaya bumalik ulit 'yong tingin ni A sa babae.

"Ngayon na ba?" Tanong niya sa kan'ya.

Loren gave him a quick side eye.

"Hindi. Dito ako kakain."

I furrowed a bit and secretly glanced at Zeus' reaction to Loren's reply. Kumunot din ang noo niya.

"Sabi mo kanina uuwi ka?" He asked, confused.

"I changed my mind." Loren shrugged. Inabot niya sa mesa 'yong bag niya at tumayo. A copied what she did at tumungo siya sa likod ng babae.

Binalingan na ako ni Zeus ng tingin sa wakas. He smiled at me.

"Tara na..." banayad niyang sabi sa 'kin at sinenyasan akong mauna sa kan'ya. I nodded and did what he wanted.

Tripping Odysseus (G-High Series #1)Onde histórias criam vida. Descubra agora